Anong tamang diet para sa iyo? | Bandera

Anong tamang diet para sa iyo?

- July 23, 2018 - 08:00 AM

NAPAKARAMING uri ng diet ang pwedeng pagpilian. Ang tanong lang ay kung makatatagal ka ba? Pero sana lang oo, para achieve ang health goal!

Narito ang ilang uri ng diyeta na pwede mong piliin for a healthier you.

1. Vegetarian diet

Alam na, pag vegetarian, ibig sabihin walang kahalong karne ang kinakain. May iba’t ibang uri rin ng vegetarian diet, gaya ng fuitarian na puro prutas lang ang dapat kainin. Meron din na lacto vegetarianism na pwedeng kumain ng dairy pero di kasama ang itlog. Meron din namang ovo vegetarianism na pwede ang itlog pero bawal ang dairy.

2. Vegan diet

Huwag maconfuse sa vegetarian at vegan. Ang mga vegans ay hindi kumukonsumo ng mga produkto na nagmumula sa hayop gaya ng itlog, dairy products at maging honey.

3. Atkins diet

Ito ay isang uri ng low-carbohydrate diet na ipinakilala sa mundo ng nutritionist na si Robert Atkins. Maraming nagsasabi na ang diet na ito ay epektibo sa pagbabawas ng timbang kaysa sa low-calorie diets. Gayunman, paniwala ng iba ay malaki ang health risks ng diet na ito.

4. South Beach Diet

Ipinakilala naman ang South Beach diet sa publiko na naging fad din nitong mga nakaraang taon sa mga celebrities, ng Miami-based cardiologist na si Arthur Agatston, Ayon sa kanya, ang pinakamabilis na pagbaba ng timbang para maging mas healthy ay hindi ang pagbabawas ng lahat ng carbo at fats sa mga pagkaing kinakaian ng isang tao kundi kung paano pipiliin ang tamang carbo at fats na dapat mong kainin.

5. Ketogenic diet.

High-fat, low-carb diet naman ang pinu-push nito. Gamit ito para sa medical treatment ng mga nakararanas ng epilepsy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

6. Liquid diet.

Keri mo kaya ito na puro liquid lang ang lalamanin ng iyong sikmura? Kung ganitong uri ng diyeta ang ikokonsumo, kailangan may gabay ito ng doctor or dietician dahil na rin sa mga medical reasons.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending