Jennylyn nambitin sa twist, ending ng The Cure
HULING linggo na ng primetime series ng GMA na The Cure kaya naman natanong ang lead star nitong si Jennylyn Mercado kung sino ang mami-miss niya sa pagtatapos ng programa.
“Lahat sila! Yung cast at buong production. Kasi siyempre, simula January, nagte-taping na kami. Magkakasama na kami. So, mga seven months na kaming magkakasama, lampas kalahating taon na.
“So talagang yung buong production, bukod sa mga artista, talagang mami-miss namin. Ang daming pinagdaanan ng set namin, ng show namin, pero napagdaanan namin nang mabuti,” pahayag ni Jen sa isang panayam.
Ikaka-shock ba ng mga viewers kung sino o ano ang tunay na cure sa kuwento? “Medyo, medyo magugulat sila. Yes, tao siya! Kung sino ‘yan ang dapat n’yong abangan,” pahayag ni Jennylyn tungkol sa tunay na cure o gamot sa mga infected ng Monkey Virus Disease, o MVD.
Kaya sa lahat ng tumututok sa The Cure, huwag na kayong bibitiw sa huling linggo ng serye sa GMA Telebabad. Kasama pa rin dito sina Tom Rodriguez, Jaclyn Jose, LJ Reyes, Mark Herras at marami pang iba, sa direksyon ni Mark Reyes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.