HABANG tinitipa namin ang balitang ito ay may naka-schedule na pa-block screening si Vice Ganda para sa pelikulang “I Love You, Hater” sa Trinoma Cinema bilang suporta kay Kris Aquino.
Pero dahil wala na yatang makuhang available cinema, manonood na lang daw si Vice kasama ang kanyang mga kaibigan.
Matatandaang naging laman ng balita sina Kris at Vice tungkol sa pagkakaroon ng lamat ng kanilang friendship. May netizen kasing nagtanong kay Kris kung friends pa rin sila ni Vice na sinagot naman niya ng, “I hope so.”
Kaya nabuo na sa isipan ng publiko na hindi na magkaibigan ang dalawa dahil wala na nga sa ABS-CBN si Kris bukod pa sa wala na silang komunikasyon.
Nasagot naman ang lahat ng hinala ng publiko nang mismong si Kris na ang magsabing baka nagtampo nga sa kanya si Vice dahil hindi niya ito pinagbigyan sa pabor na hiningi nito.
Ang sabi ni Kris, “Nagkulang din naman ako – nag-request sila ng special appearance, actually a ‘surprise’ role sa movie niya noong MMFF 2017 (Gandarrapido: The Revenger Squad), nag NO ako kasi ayaw maipit sa banggaan nila ni Coco (Martin).
“I chose to play safe because I was just rebuilding. And I can in all humility accept na disappoint ko rin siya. So please for my sons can we just embrace peace?” paliwanag pa ni Kris.
Sa nakaraang storycon ng pelikulang “Fantastica” ni Vice ay solo namin siyang natanong kung
okay ba sila ni Kris at kaagad niya kaming sinagot ng, “Okay kami, alam ko okay kami. Tinawagan ko pa nga si Bimby nu’ng birthday niya, binati ko.”
Nagtataka nga rin daw siya sa sagot ni Kris sa isang Instagram follower na nagtanong kung friends pa rin sila na sinagot nito ng, “I hope so.”
Sa madaling salita, miscommunication lang ang nangyari kina Kris at Vice kaya nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan. At least ngayon malinaw na lahat.
Samantala, may pa-block screening din pala ang personal assistant ni Kris na si Jack Salvador para sa Jacknation ngayong hapon sa SM San Lazaro. Ang taray!
Hindi lang ‘yan bossing Ervin, may pa-block screening din daw ang magkapatid na sina Toni at Alex Gonzaga with direk Paul Soriano at Gilas Pilipinas headed by Coach Chot Reyes sa Lunes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.