NIYANIG ng magnitude 4.5 lindol ang Batanes kaninang umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-9:39 ng umaga.
Ang sentro nito ay 32 kilometro sa kanluran ng Itbayat, Batanes. May lalim itong 56 kilometro at sanhi ng pagyanig ng tectonic plate sa lugar.Naramdaman ang Intensity IV sa Itbayat. Intensity I naman sa Basco.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending