'Hindi dapat tawaging junior John Lloyd si Joshua Garcia!' | Bandera

‘Hindi dapat tawaging junior John Lloyd si Joshua Garcia!’

Cristy Fermin |July 19,2018
facebook
share this

‘Hindi dapat tawaging junior John Lloyd si Joshua Garcia!’

Cristy Fermin - July 19, 2018 - 12:20 AM

KONTRANG-KONTRA ang kaibigan naming propesor sa palaging nasusulat na si Joshua Garcia ang junior ni John Llolyd Cruz sa husay umarte. Bakit daw kailangang mabuhay ang young actor sa anino ni JLC?

Litanya ni prop, “Napanood ko ang lahat ng mga movies ni Lloydie. Magaling talaga siya. Sa mga ka-contemporary niya, e, malayo ang comparison ng acting ni JLC sa mga kasabayan niya.

“Simple, pero emotional. Napakasuwabe lang ng atake ni Lloydie sa mga eksena, pero kuha niya ang viewer. Magaling talaga siya,” papuri ng aming kaibigan sa namamahingang aktor.
Pero mula nang ipanganak si Joshua Garcia sa mundo ng telebisyon at pelikula ay may kung anong nagtulak kay prop para sundan ang pag-arte ng bagets.

“Sa PBB ko siya unang napanood. Sabi ko, may itinatagong galing sa pag-arte ang batang ito, ramdam kasi ‘yun sa bawat pagsasalita niya. At tama ako! Nu’ng isalang na siya sa isang movie na maigsi lang ang role niya, sabi ko, ito na ‘yun!

“Hanggang sa bumida na siya sa isang serye, wala akong na-miss na episode nu’n, pati ang mga movies na ginagawa niya, e, sinundan ko na.

“Ayokong tinatawag siyang junior ni Lloydie, pareho silang magaling, pero may sariling atake si Joshua na hindi makikita kay Lloydie! Hindi siya junior, hindi niya ginagaya si John Lloyd, isang aktor si Joshua Garcia na napakasariwa, very raw,” pagtutol ni propesor.

Oo nga naman.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending