Male personality tuloy ang bisyo, pati mga kagamitan sa bahay ninanakaw para ibenta | Bandera

Male personality tuloy ang bisyo, pati mga kagamitan sa bahay ninanakaw para ibenta

Cristy Fermin |July 18,2018
facebook
share this

Male personality tuloy ang bisyo, pati mga kagamitan sa bahay ninanakaw para ibenta

Cristy Fermin - July 18, 2018 - 12:15 AM

MADALAS makita ang isang male personality sa isang masikip at magulong lugar sa isang malaking siyudad.

Kilalang-kilala na siya du’n, kabatian na nga niya ang mga dinadaanan niya sa kalye, hanggang sa makarating na siya sa isang bahay na mukhang ginagawa niya nang pangalawang tahanan.

Maraming nag-aakala na tumigil na sa kanyang kinahuhumalingang bisyo ang male personality dahil sa nangyayari sa kanya, pero hindi pa rin pala, sige-sige pa rin ang male personality sa kanyang bisyo.

Kuwento ng aming source, “Naku, wala siyang kadala-dala, malapit na nga siyang matigok nu’n, di ba? Ang akala ng marami, e, nagbago na siya, pero ang totoo pala naman, e, nagbago lang siya ng pagkukunan!

“Mula sa city kung saan siya nakatira, e, dumadayo naman siya ngayon sa isang magulong lugar dahil nandu’n ang hinahanap niya. Madalas siyang nandu’n, three times a week ang sighting sa kanya sa lugar na ‘yun.

“Hindi man siya sumikat nang todo na katulad ng mga ka-contemporary niya, e, kilala pa rin siya, kaya hindi niya maitatago ang identity niya!” simulang chika ng aming impormante.

Malaking problema ng kanyang pamilya ang male personality na ito dahil maraming kagamitan nila sa bahay ang bigla na lang nagkakawalaan. Natural, sino pa ba ang unang-unang pinagdududahan ng kanyang mga kapamilya, may iba pa ba?

“Ganu’n naman talaga, kapag wala nang datung ang nagbibisyo, hahanap sila ng mga paraan para pagkadatungan nila! E, wala namang raket sa TV at sa pelikula si ____ (pangalan ng lalaking personalidad), kaya siya ang pinagbibintangan sa bahay nila!

“Ano ba naman ang lalaking ‘yun? Malapit na nga siyang mamatay nu’n, pero wala pa rin siyang kadala-dala sa mga pinaggagagawa niya! Hindi ba siya natatakot na baka sa ikalawang time na ma-Julie Andrews siya, e, ‘yun na ‘yun!

“Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, sayang na sayang ang male personality na ‘yun na guwapo pa naman, pero ganyan ang kinauwian niya!” pagtatapos na chika ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending