'Walang karapatang magalit ang kapatid ni Duterte kay Regine!' | Bandera

‘Walang karapatang magalit ang kapatid ni Duterte kay Regine!’

Ronnie Carrasco III - July 16, 2018 - 12:30 AM

ALANGAN namang si Ronaldo Valdez o si Rey Valera o si Romy Vitug ang “R.V” na pinatutungkulan ng post ng kapatid ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Jocelyn Duterte, who else but Regine Velasquez?

Kung tutuusin, may point naman ang ginang when she asserted na may mga artistang laos whose fallback ay ang pasukin ang pulitika. Gayong hindi naman niya nilalahat, entering politics appears to be other stars’ next career direction.

But Ms. Jocelyn—or kung anuman ang dapat na form of address sa kanya—should not have vented her ire toward Regine Velasquez na malayung-malayong malaos sa mga panahong ito. Regine is still on top of the game.

And what’s wrong sa ipinost ni Regine tungkol sa pagtawag ni Digong ng “stupid” sa Panginoon? Kabuntot pa nga ng marespetong post na ‘yon ng Asia’s Songbird ang ipagdasal ang Pangulo.

So, ano’ng problema ng Presidential Sister na ito na sa halip na tumahimik na lang ay nagpatutsada pa sa mga artistang laos na walang ibang career choice kundi ang pumasok sa pulitika?

Inaasahan naming mas mapagkumbaba pang sasalagin ni Ginang Jocelyn ang mga bira laban sa kanyang kapatid, hindi ang mang-alipusta ng mga artista, na kung pumasok man sa pulitika is absolutely none of her business. Bakit siya apektado?

Tama siya, ang pulitika ay paglilingkod sa taumbayan. Rebyuhin kaya ni Mrs. Jocelyn ang mga itinalaga ng kapatid niya na pinagsisibak din ni Digong dahil mga corrupt din pala ang mga hinayupak? Baka si Cesar Montano lang ang gusto niyang gawing halimbawa, nilahat na niya.

Again, si Regine Velasquez laos (as implied)? At least, sumikat!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending