IPINAMALAS ni Manny Pacquiao ang angking lakas at bilis sa pagtala ng 7th round knockout win kontra Lucas Matthysse ng Argentina upang maagaw ang WBA welterweight championship kahapon sa Axiata Arena sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Itinigil ng referee na si Kenny Bayless ang laban sa 2:43 marka ng ikapitong round matapos na bumagsak sa ikatlong pagkakataon si Matthysse.
Unang bumagsak ang dating kampeon sa 2:31 marka ng round 3. Muling nabilangan ng standing 8-count si Matthysse sa pagtatapos ng ikalimang round nang lumuhod ito na ikinagulat ni Pacquiao at ng referee.
Ito ang ika-60 panalo ni Pacquiao sa 69 laban. Ito rin ang ika-12 kampeonato na naangkin ng 39-anyos na si Pacquiao sa 23 taon niya sa pro boxing.
Ang knockout win ni ni Pacquiao kontra Matthysse ay kanyang ika-39 KO win at unang KO panalo niya makalipas ang siyam na taon matapos na pigilan si Miguel Cotto sa ika-12 round noong Nobyembre 12, 2009.
Ito rin ang ikalimang pagkakataon na napagwagian ni Pacquiao ang welterweight title.
Maagang nagpakita ng agresibong pag-atake si Pacquiao sa pagsisimula pa lamang ng laban kung saan nagawa niyang magdomina hanggang sa matapos ang kanilang sagupaan sa ikapitong round.
“I was surprised because Matthysse is a very tough opponent and I knocked him down,” sabi ni Pacquiao. “So that’s a bonus from being focused and patient in the fight and working hard in training camp. We [my team] did a good job in training. We controlled ourselves during training. It was a heavy training. Thanks to all my team for working hard for this fight.”
“Fighting Manny Pacquiao [is the most difficult part about fighting Pacquiao],” sabi ni Matthysse, na mayroon na ngayong 39-1-4, 36 KOs record. “He’s a great fighter. He’s a great champion. You win some, and you lose some. Today was my turn to lose, but I lost to a great fighter and a great legend in Manny Pacquiao. First I would like to rest and go back home.
The hard work has been done. The fight has taken place. I lost, but I walk away with my head raised. I’m sorry to Argentina, but I’m fine. Thank you for all the love and support, and we’ll be seeing all my family and friends soon.”
Base naman sa Compubox, nakapagbitaw ng kabuuang 344 suntok si Pacquiao kung saan 95 dito ang tumama habang may 246 suntok na binitawan si Matthysse kung saan 57 lamang ang tumama.
Angat din sa power punches si Pacquiao kung saan tumama ang 79 sa 181 binitawan niyang suntok kumpara sa 36 sa 131 suntok na binitawan ni Matthysse.
Mayroong 16 jabs na kumunekta si Pacquiao mula 163 binitiwang jabs kumpara sa 21 mula na 155 jabs na binitawan ni Matthysse.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.