Donnalyn Bartolome feel na feel ang sakit habang ‘nire-rape’
UNANG rape scene ng baguhang aktres na si Donnalyn Bartolome ang ginawa niya sa upcoming Viva Films movie na “Jacqueline Comes Home (The Chiong Story)”.
Nagsabi naman siya ng kanyang limitasyon sa director nitong si Isabelle Peach Caparas (anak ni Direk Carlo Caparas) pero naging maingat naman daw sa kanya ang lumabas na rapist nila sa movie na si Ryan Eigenmann.
So hindi nadunggul-dunggol ni Ryan ang boobs niya? “Ay, wala pong ganoon! Ha! Ha! Ha!” bulalas ni Donnalyn sa presscon ng movie kung saan gaganap na sister niya si Meg Imperial.
“Pero painful sa akin ang rape scene dahil nu’ng sumisigaw-sigaw ako during the take, parang napi-feel ko na grabe, ganito ang ginawa sa kanila! Babae po ako kaya kung sa akin nangyari ‘yon, sobrang sakit po. Hindi ko ma-imagine.
“Even nga nang sinabi ni direk na cut, I cried. Sobrang sakit para sa akin na may ganoong nangyayari sa mundo natin,” kuwento niya.
So pang-best actress ang performance niya sa “Jacqueline”?
“Sana po!” tugon ni Donnalyn.
Hango sa kuwento ng Chiong sisters from Cebu ang movie na hindi naging ordinary ang buhay matapos ang malagim na nangyari sa kanilang dalawa noong July 16, 1997.
Bilang pag-iingat sa ilang taong nasangkot sa pangyayari, ang paghihirap ng Chiong family na gustong makahanap ng hustisya ang nakapaloob sa movie.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.