Owwa pwedeng katuwang sa negosyo ng OFW | Bandera

Owwa pwedeng katuwang sa negosyo ng OFW

Liza Soriano - July 13, 2018 - 12:10 AM

GOOD day ma’am. Tanong lang po ako, pwede ba akong maka avail ng loan sa Owwa? Isa po akong dating OFW since 1989 to 2018. Sa kasalukuyan meron akong maliit na negosyo, chicken broiler 45 days. Sa ngayon, meron akong 100 chicks at nais ko pang madagdagan ng 300 to 500 para sa expansion. Qualified po ba ako ma’m na mapautang? Salamat.
Eric Sandoval

REPLY: Maraming salamat po sa patuloy na pagtitiwala sa OWWA. Base sa inyong record Ginoong Sandoval, kayo ay kwalipikado na mag avail sa ilalim ng reintegration program ng OWWA.

Maaaring mag aplay sa OFW Enterprise Development and Loan Program (EDLP).

Ang EDLP ay isang enterprise development interventions and loan facility ng OWWA in partnership with Land Bank of the Philippines (LBP) at Development Bank of the Philippines (DBP) para matulungan ang mga OFWs at kanilang pamilya na makapagtayo ng negosyo o gusto pang palakihin ang kanilang negosyo.

Ngunit kinakailangan muna na sumailalim sa orientation ng OWWA para mabigyan ng kaukulang impormasyon para sa nais na mag loan

Maaaring makapag loan ng mula P100,000 hanggang P2 milyon.

Maaari naman bayaran ng mula 5 to 7 years ang loan na may 7.5% interest per annum

OWWA-NCR

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending