Sino ang sasagipin ni Kris sa ‘sinking boat, si Mayor Bistek o si Atty. Gideon?
MAGALING talagang sumagot sa mga tricky questions ang Queen of All Media na si Kris Aquino. Sa huli niyang pa-Q&A sa Instagram, ilang netizens ang maswerteng nireplayan ng “I Love You, Hater” lead star.
Isang Sheila Eugenio ang naglakas-loob na mang-usisa kay Kris kung magkano na ang net worth niya? Reply ni Tetay, “#satruelang, debt free…but to give an actual figure would be improper.”
Hirit na tanong naman ng isa pang IG follower ni Kris, “Are you and Atty. Gideon Peña?” Ang tugon ng Reyna ng Social Media, “No we aren’t. But my heart feels we’ll be lifelong friends.” Si Gideon ang abogadong nali-link ngayon sa mommy nina Joshua at Bimby pero pareho na nilang idenay na meron silang relasyon.
Tanong naman ni @charmadmana, “Miss Kris, who would you choose on a sinking boat, Mayor HB (Herbert Bautista) or Atty. Gideon?”
Sagot ni Kris, “They should both PRAY to never be in the same sinking boat as me, because I cannot swin. So, lahat kami made-dead! #satruelang!”
Sikat na sikat na ngayon ang hashtag na #satruelang dahil sa pelikulang “I Love You, Hater”. Isa kasi ito sa mga punchline sa movie na tumatak sa mga Pinoy moviegoers.
Napanood na namin ang pelikula sa ginanap na premiere night last Tuesday at isa kami sa mga umiyak sa madadramang eksena nina Kris, Joshua Garcia at Julia Barretto. Without giving so much details about the story, ang masasabi ko lang, sana kapag nanood kayo ng “ILYH”, isama n’yo rin ang inyong mga tatay dahil parang post-Father’s Day offering ito ng Star Cinema.
Maraming umiyak sa isang madamdaming eksena ni Kris kasama ang award-winning actor na si Ronaldo Valdez na gumaganap na tatay niya sa pelikula. Naapektuhan din ang mga manonood sa madramang eksena ng mag-ama sa kuwento na sina Joshua at Al Tantay kung saan nabuking na si Joko (Joshua) sa kanyang mga kasinungalingan.
Gusto rin naming palakpakan si Julia sa mahaba at natural na natural na monologue nang ipagtapat na niya kay Joshua ang tunay niyang nararamdaman kasabay ng pag-amin ng binata sa kanyang “kasalanan”. In fairness, hindi imposibleng ma-nominate ng best actress ang dalaga sa susunod na awards season.
Showing na ngayon ang “I Love You, Hater” sa 200 sinehan. Ito’y sa direksyon ni Giselle Andres.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.