Brutal na bugbugan nina Glaiza at Gabby sa ‘Contessa’ trending
Ang titindi na ng mga kaganapan sa afternoon series ng GMA na Contessa na pinagbibidahan nina Glaiza de Castro, Jak Roberto, Gabby Eigenmann at Lauren Young.
Trending ang mga pasabog at brutal na eksena nina Duquessa (Gabby) at Contessa (Glaiza) nitong nakaraang episode. Nagkrus na nga ang landas ng dalawang mortal na magkaaway na naging sanhi ng napakainit na bugbugan.
Talagang galit na galit si Duquessa habang pinahihirapan si Contessa ngunit sa huli ay hindi pa rin siya nagwagi dahil habang patakas na ay nakorner siya ng mga pulis. Nakaligtas si Contessa.
Sa pagpapatuloy ng kuwento, inaabangan na ng mga manonood ang pagluhod at paghalik sa paa ng isa pang kalaban ni Contessa, si Charito (Chanda Romero) na ina ni Duquessa. Handang gawin ni Charito ang lahat mabawi lang ang alagang ahas.
Patuloy na tutukan ang Contessa sa GMA Afternoon Prime after Eat Bulaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.