Mabilis na pag-grocery para sa busy na Mommy | Bandera

Mabilis na pag-grocery para sa busy na Mommy

Jennifer Bilog - July 11, 2018 - 08:00 AM

SA mga working Nanay, Momshie, Mommy or MamaMahirap ang may trabaho araw-araw sa opisina, isang hassle ang mag-grocery, dahilan nga sa kakapusan o wala ng oras para mamili lalo na mamalengke .

Kaya dapat time-management ang kailangan. Dapat isang mabilis ngunit kumpletong pag-grogrocery ang dapat gawin.

Narito ang ilang tips para sa isang mabilis at stress-free na pagbili ng pang araw-araw sa bahay.

Malapit

Alamin ang mga malalapit na pwedeng pagbilhan na mga grocery o pamilihan na malapit o along the way sa iyong opisina o pauwi sa iyong bahay.

Mababawasan nito ang oras ng pagbiyahe sa malayo para lang makabili ng uulamin tuwing gabi.
Listahan

Dapat alam mo kung ano ang mga dapat bibilhin mo, kapag ikaw ay nagmamadali.

Ilista muna ang mga bibilhin para pag dating sa grocery ay hindi ka mataranta, dahil iisipin mo na babalik ka pa sa iyong opisina o malalate ka na ng uwi para paghandaan ng hapunan ang iyong pamilya.

Suki

Kung suki ka ng isang grocery, mas madali mong mahahanap ang mga dapat mong bilhin dahil alam mo na ang puwesto nila sa loob.

Kung ikaw naman ay mamalengke at magkakaroon ng suki pagdating sa gulay, prutas o anu pa mang fresh na bilihin maaari mo naman na i-text (kung nasa ganung lebel na kayo ng pagiging magsuki) para ihanda ang iyong bibilhin. Pagdating mo dun ay babayaran mo na lamang.

Mababawasan din ang oras mo ng paghahanap dahil tiwala ka na sa kanyang mga binebenta.

Express lane

Alamin din ang mga express lane ng grocery. Kung ikaw ay pakonti konti lang mag-grocery dahil nga sa kawalan ng oras, dapat alam mo kung saan nakapuwesto ang mga cashier na may special lane para sa mga kaunti lamang ang bibilhin.
Patay na oras

Alamin din ang mga patay na oras o araw sa pag-grogrocery dahil dito mas kaunti ang tao at mas mabilis na makakapamili.

Plan B

Huwag makampanti sa iisang grocery store lamang. Dapat meron ka ding back-up na pwedeng puntahan sakaling ito ay sarado o kaya ay wala sila ng hinahanap mo.

I-review ang iyong daan at alamin ang pinakamalapit na puwedeng back-up na store.

Routine

Nakakatulong din sa schedule mo ang pagkakaroon ng routine tulad ng isang specific na araw sa isang linggo ka lang nag-grogrocery.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa loob naman ng grocery kung kabisado mo na ang aisle ng iyong bibilhan masusuri mo ang ruta na puwede mong maging routine sa loob ng grocery.

‘Yan mga Momshie sana ay nakatulong ang tips na ito para sa inyong lahat!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending