PINUNA ng Commission on Audit (COA) ang pagtanggi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na masilip nito ang storage facility nito kung saan nakaimbak umano ang may P6.8 bilyong halaga ng ipinagbabawal na gamot.
Ayon sa 2017 report, isiniwalat ng COA na hanggang noong Disyembre ay mayroong nakatagong 1.28 milyong gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P6.4 bilyon ang PDEA.
Kabilang din sa kanilang itinatago ang 36,859.23 milliliters ng liquid shabu na nagkakahalaga ng P184.3 milyon, 54,604.43 gramo ng cocaine (P196.6 milyon), 11,367.49 gramo ng ecstasy (P13.6 milyon) a t 48,353.04 gramo ng marijuana (P2.4 milyon).
Hindi umano binigyan ng access ang COA “for reason of sensitivity of the drug evidence.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.