Gary: Kailangang dumaan sa ganitong pagsubok para malaman ng tao na buhay si Lord!
TANGGAP ni Gary Valenciano ang mga pagsubok na ibinibigay sa kanya ngayon ng Diyos.
Hindi naman kasi biro ang sunud-sunod na challenges na hinarap ni Mr. Pure Energy nitong mga nakaraang buwan sa kanyang buhay.
Bukod sa kanyang diabetes, nagkaroon ng problema ang kanyang puso kaya sumailalim siya sa open heart surgery at ito ngang pagkakaroon niya ng kidney cancer na mabilis ding gumaling matapos ang operasyon.
“Gusto ko talagang i-share sa lahat ito, kasi iba talaga ang plano ni Lord sa akin. At eto kasama na rin sa mga plano niya, na dumaan ako sa ganitong klaseng pagsubok,” ang pahayag ni Gary sa panayam ng Rated K last Sunday.
Dugtong pa niya, “Actually nagpapasalamat ako kasi talagang minsan, kailangan talagang dumaan sa ganyang klaseng mga pagsubok ang tao. Para malaman talaga ng mga tao mismo na buhay ang Lord.”
Kuwento ng Kapamilya singer tungkol sa pinagdaanang operasyon sa kidney, “Thirty percent lang ng kidney ang tinanggal. Siniguro ng mga doktor na walang matitirang cancer cells at nagawa nila ito.
“Nakatanggap ako ng message galing sa doctor ko na cancer-free na ako. Hindi ko na kailangan mag-therapy, no need for chemotherapy, radio therapy, wala,” masayang kuwento pa ni Gary.
Miss na miss na rin daw niyang magtrabaho at makabalik sa kanyang mga programa sa ABS-CBN, “Kada araw…nag-kakaron ako ng excitement na makabalik sa Tawag Ng Tanghalan, makabalik sa Your Face Sounds Familiar, makabalik sa ASAP.
“At kelan lang nabigyan ako ng isang offer ng mag-judge uli ng isang bagong show. At malalaman din ng lahat kung ano ang show na to. At talagang excited ako,” chika pa ni Gary V.
Ibinahagi pa ni Gary sa madlang pipol ang Bible passage mula sa Psalms 23:4, “Yung passage na, ‘Even though I walk through the valley of the shadow of death, I will fear no evil.’ Naranasan ko yung katuparan talaga. As in, parang nasa kamay ako ni Lord.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.