Hassle na allergy | Bandera

Hassle na allergy

Leifbilly Begas - July 09, 2018 - 12:08 AM

ISIPIN mo na lang ito: Lahat ng kaibigan mo ay nage-enjoy kumain ng sugpo, alimango, tapos ikaw nakatanga, natatakam, dahil kapag kumain ka nito, tiyak na lolobo ang mukha mo at posibleng malagay sa delikado ang iyong buhay. Hassle, hindi ba?

Ang allergy o allergic reaction ay ang paglaban ng katawan sa isang foreign substance kahit na hindi naman ito mapanganib sa kalusugan.

Ang immune system ng katawan ay gumagawa ng antibodies para labanan ang foreign substance sa katawan para hindi ka magkasakit. Ang bagay o pagkain na nakapagdudulot ng allergic reaction ay tinatawag na allergen.

Ang mga allergens na ito ay kadalasang hindi mapanganib at kalimitang walang epekto sa mara-ming tao.

Kung ang isang tao ay allergic sa isang bagay gaya halimbawa ng pollen, ang kanilang immune system ay nagre-react na parang ito ay isang bagay na mapanganib at tinatangka itong puksain.

Ang resulta nito ay pangangati at pamumula ng balat, pagbahing, lagnat at marami pang iba.

Kapag pumasok sa katawan ang allergen, naglalabas ang katawan ng histamine na siyang dahilan ng pamamaga at pangangati. Kung ang ilong ang apektado, nagreresulta sa madalas na pagbahing. Ang mata ay maaari ring magluha at ang lalamunan ay nagsasara dahil sa histamine.

Maaari rin itong pagsimulan ng asthma kapag namaga ang lining ng baga na magreresulta sa hirap na paghinga.

Mayroon namang allergic reaction na mapanganib at maaaring makamatay. Tinatawag itong anaphylaxis. Ang mga tao na mayroong ganitong kaso ay dapat na kumonsulta sa doktor.

Gamot

Ang pag-inom ng antihistamine ang kalimitang iginagamot sa allergy. Pinipigilan nito ang paglabas ng histamine upang mabawasan ang sintomas ng allergy.

Bukod sa tableta, mayroon ding mga antihistamine nasal at eye spray na mabibili.

Epektibo naman ang Intranasal cortiocosteroid nasal sprays sa moderate at severe allergic rhinitis.

Sa mga nagluluha ang mata, maaaring kumonsulta sa doktor para mabigyan ng angkop na eye drops.

Ang Adrenaline (epinephrine) ay ginagamit naman sa mga emergency treatment ng anaphylaxis upang agad na mapahupa ang pamamantal o pamamaga kaya hindi makahinga ang pasyente.

Ang isang taong allergic ay maaaring sumailaim sa Allergen immunotherapy o desensitization upang mabago ang tugon ng immune system sa allergens. Ito ay ang paunti-unting pagbibigay ng allergens sa katawan hanggang sa ang immune system ay masanay.

May mga pagsusuri na maaaring gawin upang malaman kung saan ka may allergy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maaaring sumailaim sa skin testing kung saan tutusukan ng mga karayom ang balat. Ang mga karayom ay mayroong mga allergens kaya kung allergic ka sa inilagay sa iyo ay mamamantal ito.

Kailangan naman ng blood test para malaman kung anong partikular na antibodies ang nagre-react sa allergens.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending