Tambalang Rey-Dulce bentang-benta sa Showtime; game na game sa tuksuhan | Bandera

Tambalang Rey-Dulce bentang-benta sa Showtime; game na game sa tuksuhan

Cristy Fermin |July 09,2018
facebook
share this

Tambalang Rey-Dulce bentang-benta sa Showtime; game na game sa tuksuhan

Cristy Fermin - July 09, 2018 - 12:10 AM

MARAMING televiewers na naaaliw sa ginagawang panunukso sa magagaling na singers na hurado sa Tawag Ng Tanghalan ng It’s Showtime na sina Rey Valera at Dulce.

Nagpapasimuno sa pagrereto sa kanila ang mga kapwa nila hurado sa labanan at ang mga hosts ng noontime show. Sa totoo lang, may edad na sina Rey at Dulce, pero maraming naaaliw sa mga panunukso sa kanilang dalawa.

Si Rey Valera ay may misis at malalaki nang anak. Si Dulce naman ay maligayang namumuhay na kasama ang kanyang mister na si Tito Bernard Cruzata, malalaki na rin ang mga anak nilang sina Jeminah at Abigail, magagandang bata.

May mga anak si Dulce sa dating singer na si Danny Cruz, si Deejay na isa nang US Navy ngayon, ang ma-galing na singer-stage actor na si David Ezra at ang bunsong si Dana na isa namang flight attendant ng PAL.

Siguradong alam ng mga karelasyon at mga anak nina Rey at Dulce na tuksuhan lang ang lahat, walang personalan, pangdagdag-palabok lang sa seryoso nilang pag-upo sa noontime show bilang mga hurado.

Nakakaaliw panoorin si Rey habang kunwari’y pinagbibilinan si Dulce kapag hindi sila magkasama, akma namang pupukpukin ng mikropono ng magaling na Visayan singer ang punong-hurado, saka maghahalakhakan ang kanilang mga kasamahan sa tuksuhan.

Buhay na buhay ang kapaligiran kapag ganu’n. Nakikisakay ang dalawang singers sa mga pambubuyo ng kanilang mga kasamahan, pero siyempre’y hanggang sa harapan lang naman ‘yun ng mga camera, pagkatapos ng programa ay may kani-kanya na silang buhay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending