Bea mataas ang respeto sa AlDub; umaming may bagong lovelife | Bandera

Bea mataas ang respeto sa AlDub; umaming may bagong lovelife

|July 09,2018
facebook
share this

Bea mataas ang respeto sa AlDub; umaming may bagong lovelife

- July 09, 2018 - 12:05 AM

MULING ipinagdiinan ni Bea Binene sa presscon ng bagong daytime series ng GMA na Kapag Nahati Ang Puso na super friend lang sila ni Alden Richards at malaki ang respeto niya sa AlDub loveteam.

Sa kabila ng patuloy na pamba-bash sa kanya ng ilang fans nina Maine Mendoza at Alden, nananatiling positibo ang dalaga at hangga’t maaari ay ayaw na niyang pumatol sa mga ito.

“I respect Maine, I respect their loveteam, I respect Alden, I respect their fans. I know how supportive they are, I know how warm their support is sa idols nila and hanga po ako sa kanila du’n,” ani Bea na sumusumpa na wala talagang malisya ang pagkakaibigan nila ng Pambansang Bae.

Sa katunayan, may lovelife daw ngayon si Bea pero non-showbiz at happy siya dahil low profile lang ang kanilang relasyon. Bukod sa makulay ang personal niyang buhay bongga rin ang career niya ngayon dahil sa bago niyang serye, ito ngang Kapag Nahati Ang Puso na magsisimula na ngayong July 16 bago mag-Eat Bulaga.

Medyo mature na ang role niya rito bilang anak ni Sunshine Cruz na magiging kaagaw niya sa pagmamahal ni Benjamin Alves. Abangan n’yo na lang kung magkakaroon sila rito ni Benjamin ng kissing scene.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending