Sunshine Cruz: Sobra na 'to! Nauubos na ang pasensya ko! | Bandera

Sunshine Cruz: Sobra na ‘to! Nauubos na ang pasensya ko!

|July 09,2018
facebook
share this

Sunshine Cruz: Sobra na ‘to! Nauubos na ang pasensya ko!

- July 09, 2018 - 12:05 AM

HINDI natatakot si Sunshine Cruz sa mga pagbabantang ginagawa ng negosyanteng si Kathelyn Dupaya na kademandahan niya ngayon.

Matapos kasing akusahan ni Sunshine at iba pang kilalang celebrities ang kontrobersyal na businesswoman na nakabase na sa Brunei ng estafa, nagkontra-demanda rin ito laban sa kanila.

Inakusahan ni Kathelyn si Sunshine ng libel at violation of tax code sa Bureau of Internal Revenue (BIR). Anito, hindi raw nagbibigay ang aktres ng official receipts, hindi nagbabayad ng documentary stamp tax, maaari raw kasuhan si Sunshine ng tax evasion dahil dito.

Sinagot ito ni Sunshine sa isang panayam, paglilinaw niya, “With regards to BIR, I pay my taxes on time. I have my own accountant. So, that is not a problem. And I’m not scared of that.”

Hinihintay naman daw niya ang subpoena para sa libel case, “I believe na itong mga bagay na ‘to, sinasagot sa proper forum, which is sa korte. So hinihintay lang namin yung supposed subpoena na pinadala niya. And then from there, du’n na namin ita-tackle ng lawyer ko kung anong dapat gawin.”

Sa nakaraang presscon ng bago niyang teleserye sa GMA, ang Kapag Nahati Ang Puso, tumanggi na Sunshine na magdetalye pa tungkol sa mga kaso.

“Sabi niya nga, nakapag-file na siya. So ang hirap kasi na magsalita pa, e. So just let her do the talking, and if I get the letter coming from them, then sa korte na lang talaga (kami magkita),” aniya.

Samantala, nitong nakaraang weekend, ay may bagong post na naman sa kanyang Facebook si Dupaya laban sa grupo nina Sunshine. Nire-post ito ng aktres sa kanyang social media account.

“Anything might happen to me… isang group lang ang may gagawa sa akin. Anything will happen to me, no further notice, arrest this group,” ang sabi ni Dupaya sa kanyang FB post kung saan nakalista rin ang mga pa-ngalan ng mga kademandahan niya.

Narito naman ang sagot ni Sunshine, “By doing this, alam ko matutuwa ka kasi nabigyang satisfaction ang pagpapapansin mo but we just sometimes lose our patience to people na ginawa ng hanap buhay ang paninira sa kapwa.

“Trying to move on and focus sa trabaho para mabawi ang 3M ko na hindi na nya maibalik, trying my best to focus on being positive after all the accusations hurled at me.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“May ganito palang uri ng tao talaga. For a person to accuse me of a possible death threat to her is too much! Napaka-OA na.”

Bukas ang pahinang ito para sa paliwanag ni Dupaya kung sakaling siya nga ang nag-post ng diumano’y pagbabanta sa kanyang buhay.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending