Benjamin Alves: Inaalagaan ko si Julie Anne! | Bandera

Benjamin Alves: Inaalagaan ko si Julie Anne!

Jun Nardo |July 08,2018
facebook
share this

Benjamin Alves: Inaalagaan ko si Julie Anne!

Jun Nardo - July 08, 2018 - 12:20 AM

BENJAMIN ALVEZ AT JULIE ANNE SAN JOSE

ABA, after ng morning series ni Julie Ann San Jose na My Guitar Princess, ang papalit naman dito ay ang kinabibilangang programa ng kanyang rumored boyfriend na si Benjamin Alves, ang Kapag Nahati Ang Puso na mapapanood na simula sa July 16, huh!

Sa totoo lang, wala pang direktang pag-amin sina Julie Anne at Benjamin sa kanilang relasyon although action speaks louder that words, ika nga. Pero nakakatanggap na ng mga banat ang Kapuso actor dahil sa hindi nito pagiging clingy at showy sa Asia’s Pop Sweetheart.

“Hindi naman para sa kanila ‘yon eh. Basta alam niya ang expression ko at alam niyang inaalagaan ko siya. Labas na po lahat ng tao kung hindi pa sapat ang ginagawa para sa kanila (bashers),” depensa ni Benjamin.

Dagdag pa ng aktor, si Julie Anne lang daw ang tanging showbiz girlfriend na ipinakilala niya sa kanyang parents. Kapag umuuwi sa bansa ang mga magulang, nakakausap ng mga ito si Julie Anne.

Anyway, kung off cam ay si Julie ang kalambingan ni Ben, sa bagong GMA series, pag-aagawan siya nina Sunshine Cruz at Bea Binene na gaganap naman bilang mag-ina.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending