Horoscope, July 08, 2018 | Bandera

Horoscope, July 08, 2018

Madam Sophia |July 08,2018
facebook
share this

Horoscope, July 08, 2018

Madam Sophia - July 08, 2018 - 12:18 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Gawing oportunidad ang mga problema upang yumaman. Mag-isip ng paraan upang kumita ng malaking halaga. Sa pag-ibig, paparating na ang tag-ulan, lalo namang iinit ang pagmamahalan. Mapalad ang 2, 16, 25, 34, 43 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Jiva-Gosvami-Om.” Green at white ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) – Sa pinansiyal, kung magpapa-ganda kang lagi mas maraming kliyente ang maaakit. Sa pag-ibig, ka-compatible ng isang Aries na tulad mo ang Leo at Sagittarius, sa kanya ka makadarama ng pang habang buhay na ligaya. Mapalad ang 6, 15, 24, 30, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Krisna-Om.” Red at orange ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) – Kahit mahilig kumontra ang kasuyo hindi dapat i-itsapuwera ang kanyang opinyon, sapagkat sa pakikinig at pagsunod sa suwestyon ng kasuyo, siya pa ang maging daan upang lalong umunlad ang inyong kabuhayan. Mapalad ang 3, 12, 18, 33, 41 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Omne-Venit.” Beige at maroon ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) – Upang mas madaling matupad ang mga pangarap isulat sa typewriting at ipaskel sa dingding ang iyong layunin. Sa ganyang paraan five years from now, matutupad ng kusa ang mga pangarap na isinulat mo sa papel na lagi mong nababasa at nakikita. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Om.” Gray at blue ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) – Ang pagdadalawang isip ang magdadala sa kabiguan. Kikita ng malaking halaga kung ikikilos agad ang mga bagay na unang pumasok sa isipan. Sa pag-ibig, wag pag-alinlanganan ang pag-ibig ng kasuyong Scorpio. Mapalad ang 2, 16, 25, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Ke-Balam.” Green at purple ang buenas.
Leo – (July23 – August 22) – Ito ang pinaka-tamang pagkakataon upang daigin ang iba. Ituloy ang binabalak na negosyong may kaugnayan sa modernong teknolohiya. Sa pag-ibig, pagtiyagaan ang kasuyong Aries, kaysa manatiling zero ang love life. Mapalad ang 4, 17, 28, 34, 38 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Name-Narada-Om”. Orange at maroon ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) – Mag-ipon ng maraming pera sapagkat ang salapi ay makapangyarihan. Tandaang kapag maraming-marami ka ng pera ito ang magdudulot ng “total happiness at complete security”, dagdag dito kapag marami kang savings makadarama ka rin ng “inner peace” at ng ganap na kapayapaan ng isipan. Mapalad ang 5, 16, 25, 32, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Mira-Miraculum.” Black at emerald green ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) – Sa pag-ibig, lagyan ng dagdag na kilig ang bawat araw. Bagong istilo ng romansa ang dapat upang lalo pang sumigla ang pakikipag-relasyon sa isang Aquarius. Sa pinansyal, pigilin ang sarili na mangutang ng mangutang. Mapalad ang 3, 18, 27, 33, 39 at 40. Mahiwaga mong mantra: “Bhagava-Gita-Om.” Purple at lilac ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) – Hindi darating ang suwerte kung puro hintay lang ang iyong ginagawa. Damihan ang pagkilos na may kaugnayan sa pagkakaperahan. Sa pag-ibig, ipagpatuloy ang matiyagang pakikipag-bolahan sa kasuyong nagpapa-hard to get. Mapalad ang 1, 14, 23, 32, 39 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Sator-Arepo-Opera.” Silver at orange ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) – Kahit luhaan sa pang-emosyonal na aspeto ng buhay sa materyal na bagay tuloy ang dating ng magandang kapalaran. Upang makatagpo ng true love isa alang-alang silang isinilang sa buwan ng Mayo at Hunyo na may birth date na 3, 12, o kaya’y 21. Mapalad ang 3, 12, 21, 28, 39 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-We”. Violet at pink ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) – Disiplinahin ang sarili upang lumusog at sumeksi. Iwasan ang katakawan upang hindi maging chubby. Sa pag-ibig at salapi, kasaganaan at maligayang relasyon ang hatid ng isang Virgo. Mapalad ang 4, 13, 15, 24, 31 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Durate-Rebus.” Lilac at black ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) – Sa pag-ibig, hindi totoong masaya at masarap ang marami. Panatiliin ang pagiging tapat sa kasuyong Gemini. Sa pinansyal, imbis na kung saan-saan lang tinatapon ang pera, pahalagahan ang pamilya. Mapalad ang 5, 22, 32, 41, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Bhakti-Bhakti-Hare.” Blue at beige ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) – Ingatan ang natitirang salapi, imbis na ipuhunan sa negosyong mabagal naman ang balik ng pera, itabi mo na ito at maghintay ng magandang pagkakataon upang muling magnegosyo ng kalakal na may kaugnayan sa pagkain. Sa pag-ibig, imbis na kontrahin gawing inspirasyon ang kasuyo sa mga proyektong naiisip mong simulan. Mapalad ang 7, 10, 28, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Minna-Galla-Om.” Apple green at black ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending