PATAY ang isang magsasaka nang malunod habang hinahanap ang kanyang pustiso sa lawa sa bayan ng Bayambang, Pangasinan, kahapon.
Kinilala ang biktima na si Edison Race, 44.
Ayon sa pulisya, tumalon sa 1.5- metrong lalim na lawa sa Barangay Langiran alas-6 ng gabi, ayon sa kanyang kasama na si Raul Corales.
Iniipon nina Race at Corales, ang mga nahuling isda matapos namang maglagay ng panghuli ilang oras bago ang insidente.
Kapwa nakainom ang mga biktima.
Nahulog ang pustiso ni Race sa tubig kaya nagpaiwan ito para hanapin ang nalunod sa maputik na ilalim ng lawa.
Narekober ang bangkay ng biktima makalipas ang tatlong oras.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.