Sarah may adbokasiya laban sa depresyon at pambu-bully | Bandera

Sarah may adbokasiya laban sa depresyon at pambu-bully

Ervin Santiago - July 04, 2018 - 12:01 AM

MAY ipinaglalaban ang bagong music video ni Sarah Geronimo para sa kanyang single na “Sandata.” Isa itong pop track tungkol sa pagiging matapang at determinado sa gitna ng mga challenges ng buhay.

Ni-release na ng Viva Records last Sunday ang music video ng “Sandata” at dito nga tinalakay ang tatlong kuwento ng buhay.

Una ang tungkol sa glamorosang babae na dumaranas ng matinding depression; ikalawa ang buhay ng isang misis na biktima ng domestic violence; at ikatlo ang kuwento ng estudyante na pilit lumalaban sa pambu-bully ng mga kaklase.

Ang nasabing music video na idinirek ni Paul Basinillo ay agad umani ng sandamakmak na positibong komento nila mula sa mga netizens at supporters ni Sarah.

Kung matatandaan, dumaan din ang Popstar Royalty sa matinding depresyon kamakailan na naging dahilan ng kanyang “breakdown” scene sa nakaraan niyang anniversary concert.

Talagang napaiyak ang singer-actress habang nagpe-perform sa kanyang US concert tour.

Aniya, “Hindi lovelife, hindi success sa trabaho, hindi pera ang makakapagbuo sa ‘yo, kundi relasyon mo talaga sa Panginoong Diyos.

“Aminado po ako, minsan, madalas, nalilimutan ko po na talagang, ‘Lord, ikaw lang ang makakapagpuno sa emptiness na nararamdaman ko sa puso ko,'” ang naging pahayag pa ni Sarah G.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending