Jak Roberto tanggal ang hiya sa galing nina Glaiza at Gabby
NAKIKIPAGSABAYAN na rin ang Kapuso hunk na si Jak Roberto sa kanyang mga co-stars sa afternoon series na Contessa.
Kung noong mga unang episode ng serye ay napupuna ng viewers na parang naiilang pa siyang umarte, ngayon ay pinupuri na siya sa kanyang mga eksena, lalo na kapag kaeksena na niya si Glaiza.
Aminado naman ang binata na medyo nahihiya pa siyang tumodo noong nagsisimula pa lang sila, pero nang tumagal na ay naging palaban na rin siya. Salamat daw sa pag-alalay sa kanya ni Glaiza at ng iba pang kasama niya sa Contessa na napapanood pa rin after Eat Bulaga.
Marami nga ang nagsasabi na hindi lang siya basta Pambansang Abs ngayon kundi isa na talaga siyang tunay na aktor.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.