Utol ni Sharon sasabak na rin sa politika | Bandera

Utol ni Sharon sasabak na rin sa politika

Reggee Bonoan - July 03, 2018 - 12:40 AM

PAGKALIPAS ng maraming taon na nawala na si ex-mayor Pablo Cuneta sa Pasay City ay heto’t kakandidato na nga ang anak niyang si Chet Cuneta, ang kuya ni Sharon Cuneta.

Sinamahan pa ng Megastar ang kanyang kapatid sa pagpa-file nito ng Certificate of Candidacy sa Comelec kahapon ng umaga.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Sharon ng tungkol dito, “This morning, I proudly accompanied my brother Chet as he registered at the Comelec. It took us many, many heart-to-heart talks throughout some time to finally come to this decision.

“And we made sure that when we came to it, it was with all our hearts and souls. Only with the spirit to serve honestly and with our father Pablo’s legacy in mind. Cesar ‘Chet’ Cuneta is running for Mayor of Pasay City. I pray that if you are living in Pasay and reading this, I pray that God touch your heart and support him in these coming elections.

“I will be 110% behind him, beside him. He is giving up his 32 years of his career as a hard-working pilot to serve the people of Pasay City. He will make sure na ang lahat ng kikitain ng Pasay ay mapupunta sa pagpaganda, pagpapaunlad ng Pasay, at sa mga TAO NG PASAY.

AKO MISMO AY KASAMA NIYANG MAGBABANTAY. God bless you all and thanks so much! We love you. Kuya Chet & Sharon,” ang pahayag pa ni Mega.

Hindi pa rin nawawala ang mga loyalista ng mga Cuneta dahil sinamahan din nila ang magkapatid kahapon para ipakita ang kanilang suporta.

q q q

Kung dati-rati ay naiirita kami kay Agatha, isa sa triplets na ginagampanan ni Erich Gonzales bukod kina Carrie at Erika sa seryeng The Blood Sisters, ngayon ay gustung-gusto na namin siya.

Siya pala ang magiging tinik sa lalamunan nina Patron (Dante Rivero), Greg Solomon (Ian de Leon) at Rosemari Bermudez (Tessie Tomas) na eventually ay magiging kalaban na rin ng magkapatid na Roco (Jake Cuenca) at Sahara (Nathalie Hart).

Sinong mag-aakala na ang probinsyanang taga-Baguio ang makakakuha ng lahat ng kayamanan ng mga nabanggit dahil sa mga kinita nila sa Paraiso.

Anyway, maganda ang aura ngayon ni Erich sa tatlong karakter na ginagampanan niya, halatang nakapagpahinga siya sa ilang araw niyang pagkakasakit. Marahil ay nakabawi-bawi siya ng tulog sa halos araw-araw na taping ng The Blood Sisters.

Sulit naman ang hirap at pagod ni Erich kasama ang lahat ng cast members ng serye dahil mainit na pinagkukuwentuhan ang The Blood Sisters sa mga umpukan na ibig sabihin ay hindi bumibitaw ang mga manonood sa kanila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May nagtanong sa amin kung kumusta na ‘yung businessman boyfriend ni Erich dahil parang hindi na raw ito pinag-uusapan.

Oo nga ‘no, bossing Ervin? Baka naman hindi natuloy na maging sila dahil walang oras si Erich sa lovelife. Anyway, balitang hanggang Agosto pa ang TBS kaya marami pang dapat abangan sa kuwento.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending