I-share ang dugo para sa healthier you | Bandera

I-share ang dugo para sa healthier you

Leifbilly Begas - July 02, 2018 - 08:00 AM

NASUBUKAN mo na bang mag-donate ng dugo?

Kung hindi pa, bakit? Dahil ba natatakot ka sa tusok ng karayom o dahil takot ka mismo sa dugo?

Isang malaking tulong ang pagdo-donate ng dugo. Extension iyan ng buhay ng isang nanga-ngailangan nito, gaya ng mga pasyente na may bleeding disorder, kanser, sickie cell anemia at marami pang iba.
Alam mo bang maganda ang naidudulot ng pagbibigay ng dugo? Hindi lang ang sinasalinan ng dugo ang nakikinabang, kundi mismo ang nagbibigay nito. Narito ang ilang pakinabang nito:

Hemochromatosis

Ang pagbibigay ng dugo ay nakatutulong upang bumaba ang tyansa na magkaroon ka ng hemochromatosis na isang kondisyon kung saan sobra ang iron na nasa katawan.

Maaari itong mamana at posible ring maging dulot ng pagiging alcoholic, anemic at pagkakaroon ng iba pang sakit.

Kapag nababawasan ang dugo, nababawasan din ang tyansa na magkaroon ng iron overload sa katawan.

Anti-cancer

Nababawasan din ang tyansa na magkaroon ng kanser ang isang nagdo-donate ng dugo.

Bakit dahil ang mataas na lebel ng iron sa dugo ay nagpapataas ng tyansa na magkaroon ng kanser ang isang tao.

Kaya kung normal level ang iron sa dugo mas mababa ang tyansa na ma-develop and kanser.

Puso at atay

Maraming sakit sa puso at atay ang sanhi ng mataas na lebel ng iron sa katawan.

Ang sobrang iron sa katawan ay napupunta sa puso, atay at pancreas.

Ito naman ang nagpapataas ng tyansa ng cirrhosis, liver failure, pagkasira ng pancreas o lapay at abnormality sa puso gaya ng iregular na tibok ng puso.

Kaya kung normal ang lebel ng iron mababa ang tyansa na magkaroon ka ng mga nabanggit na sa-kit.

Blood Cell

Kapag nabawasan ang iyong dugo, ang katawan ay magtatrabaho upang madagdagan ito.

Magkakaroon ng mga bagong blood cell sa katawan na mabuti sa kalusugan.

Timbang

Ang regular na pagdo-donate ng dugo ay nakapagpapabawas ng timbang.

Makatutulong ito sa mga obese at mga tao na mayroong mataas na tyansa ng cardiovascular disease at iba pang health disorder.

Ayon sa isang pag-aa-ral, nakasusunog ng hanggang 650 calories ang pagdo-donate ng dugo, pero hindi naman pwedeng gawin ito bilang alternative sa pag-eehersisyo.

Pero bago mag-donate ng dugo mas makabubuti kung kokonsulta sa doktor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mas makabubuti kung paghahandaan ang araw ng pagpapakuha ng dugo. Maganda kung kakain ng tama isang linggo bago ito at tiyakin na uminom ng sapat na tubig bago magpakuha.

Kung ikaw ay may iniinom na gamot, maganda kung sasabihin ito sa kukuha ng dugo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending