Anak ni Carlo J. Caparas direktor na rin; gagawin ang 'Cebuana sisters gang rape' | Bandera

Anak ni Carlo J. Caparas direktor na rin; gagawin ang ‘Cebuana sisters gang rape’

Ronnie Carrasco III - June 28, 2018 - 12:35 AM

CHIP off the old block.

Swak ang phrase na ito bilang paglalarawan kay Ysabelle Peach. Sa mga nagtatanong kung “da who?” siya, si Peach ay isa sa dalawang anak na naulila ni Tita Donna Villa.

A political science graduate, ang 25 anyos na dalaga (CJ’s younger sibling) ay minsan nang tinanghal bilang Best Supporting Actress sa FAMAS para sa remake ng “Angela Markado” na idinirek ng kanyang amang si direk Carlo J. Caparas.

Sa halip na ituloy ni Peach sa Law ang kanyang kurso, mas ninais niyang sundan ang yapak ni direk Carlo as she takes the helm via the film project tungkol sa magkapatid na Chiong (Marijoy at Jacqueline na tubong Cebu) na naging biktima ng gang rape at pinaslang noong July 16, 1997.

Temang gore at mayhem ang pelikulang ito na malinaw na kumuha ng inspirasyon mula sa mga obrang tatak-Carlo J. But the widower—who’s now back on his feet (for which the entire local showbiz is happy)—ay nagsisilbing assistant director (AD) ni Peach.

Kumbaga, kung sa loob ng kanilang tahanan ay si direk Carlo ang hari at mga subject lang niya sina CJ at Peach, the tables are turned now. Si Peach na ngayon ang may creative upperhand over her father.

Showbiz is doubly happy over this development.

Just when we thought kasi na pinanawan na rin ng sigla at interes si direk Carlo sa pagtatrabaho mula nang pumanaw ang kanyang kabiyak (January 2017), heto’t he’s bouncing back na parang nagbakasyon lang to recharge.

And just when we thought na hindi na maipapasa ni direk Carlo ang kanyang legacy, heto’t nananalaytay pala sa ugat ni Peach ang malapot na dugo ng minana niyang talento sa pagdidirek.

Sabi nga, no two people are, and can be alike. Sa kaso ng mag-ama, no two directors share the same creative approach.

Expect na iba ang directorial interpretation ni Peach sa Chiong material from how her father perceives it to be.

Si Peach ang direktora, si direk Carlo naman ang katuwang. That’s a “two heads are better than one” scenario.

Ang pamilya ng magkapatid na biktima ay mula sa Cebu, ang native province ni Tita Donna kung saan ang kanyang mga cremated remains ay nakalagak din. Ang pelikulang halaw rito ay debut film ni Peach.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

And this is providential. Asahan nang all throughout its filming ay nasa kung saang dako lang si Tita Donna, hidden behind the clouds as she watches over the husband-and-daughter team.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending