Carlo Caparas ayaw nang lumuwas ng Manila, miss na miss si Donna | Bandera

Carlo Caparas ayaw nang lumuwas ng Manila, miss na miss si Donna

Jobert Sucaldito - August 04, 2017 - 01:05 AM

DONNA VILLA AT CARLO CAPARAS

MATAGAL din kaming nag-usap ng mahal nating direktor na si Carlo J. Caparas sa phone a few days ago. Hanggang ngayon ay di pa rin nakaka-move on ang batikang director/writer/painter na sa pagpanaw ng kaniyang pinakamamahal na asawang si Donna Villa.

Sa Cebu na halos namamalagi si Direk Carlo para araw-araw niyang nadadalaw ang puntod ng namayapang asawa na walang kasing-bait at kasing-ganda. Miss na rin namin si Inday Marian, tunay na pangalan ni Donna.

“Ang mga bata (CJ and Peach) ay sa kaniya-kaniyang condo na nila nakatira sa Maynila. Mas matapang si Peach, mas malakas ang loob. Si CJ sobrang affected pa rin dahil alam niyo naman iyon, Mama’s Boy.

“Parang nagi-guilty rin ako dahil feeling ko di ko masyadong na-express sa kaniya ang sobrang pagmamahal. Kaya tinatamad akong lumuwas ng Manila dahil ayoko siyang iwan dito sa Cebu,” ani Direk Carlo.

Nakakaawa din si Direk Carlo J. dahil it’s not easy for him to lose someone closest to his heart. Ilang dekada naman kasing magkasama ang dalawang iyan – yung tipong di talaga naghihiwalay sa lahat ng lakaran. Once you see Donna, Carlo must not be far behind. Magkasama sila always.

Kaya advise ko kay Direk Carlo lumuwas siya and see the world around – mahirap na at baka magkasakit siya at manghina. Kailangang unti-unti niyang matanggap that Donna is no longer here. Or isipin na lang niyang nagbakasyon lang nang matagal ang asawa hanggang sa makasanayan niyang wala na ito sa tabi niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending