Gang rape, pagpatay sa Chiong sisters sa Cebu muling nabuhay dahil sa 'GCTA' law | Bandera

Gang rape, pagpatay sa Chiong sisters sa Cebu muling nabuhay dahil sa ‘GCTA’ law

Ronnie Carrasco III - September 07, 2019 - 12:10 AM

CARLO J. CAPARAS AT COCO MARTIN

IUUGNAY lang namin ang isang nakakagulat na pambansang balita sa showbiz, but without tainting the news with an outrageous flavor.

Ito ‘yung iniulat ni Sen. Ping Lacson sa pagkakalaya ng mga nahatulang nang-gangrape at pumaslang sa magkapatid na Chiong sa Cebu noong 1997. Dinukot muna sina Marijoy at Jacqueline habang naghihintay ng sasakyan sa tapat ng Ayala Center sa Cebu.

The details which followed proved unimaginably horrible. Ilang araw lang ay natagpuan ang bangkay ni Marijoy sa bangin sa bayan ng Carcar habang hanggang ngayo’y hindi pa lumulutang what’s left of her elder sister.

Mula sa mga angkan ng mayayaman ang marami sa pitong suspek, at hindi na raw nagtataka ang mambabatas if they have been released. “It’s all about money,” aniya kung paano ring nakalaya ang ilang nakabilanggong Tsinong drug lords.

Ang pangyayaring kinapalooban ng Chiong Sisters ay naging proyekto ng Golden Lions Films ni direk Carlo J. Caparas at ng kanyang yumaong kabiyak na si Donna Villa.

Its inception came about in 2018 kung kailan nagsimula ang film shoot nito sa Cebu, a little over a year since Tita Donna kicked the proverbial bucket (January noong pumanaw siya).

Pero hindi lang si direk Carlo ang ‘ika nga’y may hawak ng manibela, he was co-directing it with their daughter Peach who’s obviously following in the footsteps of the ace komiks novelist-turned-megman.

Kabilang din doon ang nag-aartista na ring anak nina direk Carlo at Tita Donna na si CJ who plays one of the suspects.

Naipalabas na ang pelikula last year starring Joel Torre (bilang Dionisio na ama nina Marijoy at Jacqueline), Meg Imperial (as Jacqueline), Donalyn Bartolome (as Marijoy) among others.

Matagal-tagal na rin kasing panahon when direk Carlo last dished out a film of the same genre, mga pelikulang halaw sa literal na madudugong pangyayari which hogged the nation’s headlines.

Dahil nga sa Chiong Sisters project ay natuwa kami dahil sa panunumbalik ng sigla ni direk Carlo (who never walks around without his signature cap, maong jacket and dark shades) who needed to pick up his shattered pieces noong mawala ang kanyang pinakamamahal na si Tita Donna, the essence of his mortal existence.

Dumating na si direk Carlo sa puntong kinatamaran na niya ang pagdidirek who’d rather pay daily visits to his wife’s grave na may dalawang pumpon ng mga bulaklak without fail.

Now for the newsy part, kung totoo mang nakalaya na ang mga suspek sa Chiong gangrape-slay case bunsod ng kontrobersiyal na Good Conduct Time Allowance law gayong hindi nito sakop ang mga heinous o karumal-dumal na krimen, we simply feel too sorry for our justice system.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kanino dapat ibunton ang sisi? Showbiz answer: #Alam Na!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending