5 drug suspect patay sa Calabarzon | Bandera

5 drug suspect patay sa Calabarzon

John Roson - June 26, 2018 - 08:50 PM

LIMANG drug suspect ang napatay sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa Rizal, Batangas, at Laguna nitong Lunes, ayon sa pulisya.

Sa Antipolo City, Rizal, napatay si alyas “Bong” Chavez at dalawa nitong kasamahan nang makipagbarilan sa mga pulis pasado alas-11 ng gabi, ayon sa ulat ng Calabarzon regional police.

Isinagawa ng Regional Drug Enforcement Unit ang buy-bust sa Sitio Maagay, Brgy. Inarawan, pero nakutuban umano ng mga suspek na pulis ang ka-transaksyon kaya nauwi sa engkuwentro ang eksena.

Nakuha sa mga suspek ang isang sachet ng shabu na nabili ng poseur buyer, isang plastic bag na may 100 gramo o P680,000 halaga ng hinihinalang shabu, isang kalibre-.45 pistola, dalawang kalibre-.38 revolver, isang kalibre-.22 baril, at sari-saring bala.

Bukod sa kinalaman sa bentahan ng droga, si Chavez umano ang lider ng isang gun-for-hire group.

Nago-operate ang naturang grupo sa Calabarzon, Central Luzon, at Metro Manila, at sangkot umano sa pagpatay kay Supt. Ramy Tagnong, chief legal officer ng Calabarzon regional police at isa ring abogado, noong Mayo 4, at sa isang retiradong pulis.

Kasunod nito, napatay din sa buy-bust si Ricky Escanilla sa Brgy Trapiche, Tanauan City, Batangas, dakong alas-11:30.

Nakutuban din umano ni Escanilla na pulis ang ka-transaksyon kaya nanakbo at nagpaputok, dahilan para gumanti ang mga pulis.

Dati nang sumuko sa kampanya kontra iligal na droga si Escanilla, ayon sa pulisya.
Dakong alas-4:45 naman ng hapon noon ding Lunes, napatay ang drug suspek na si Arvin Vergara alyas “Topak” sa Carmel Subd., Calamba City, Laguna.

Sinubukang tumakas ni Vergara at nagpaputok, kaya pinaputukan din siya ng mga operatiba, ayon sa ulat.
Naaresto naman sa operasyon sina Juan Paolo Dimaano, 35; Ruben Borja, 40; Ronaldo Tapia; at Froilan Cataquiez.
Narekober sa mga suspek ang isang kalibre-.45 pistola, P700 papel, drug paraphernalia, digital weighing scale, ledger, isang sachet na may P8,000 halaga ng hinihinalang shabu, at isang sachet na may P4,000 halaga ng hinihinalang shabu.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending