ISINARA ang Otis Bridge sa Maynila sa mga motorista simula Martes dahil sa “instability” nito, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority.
Sa isang advisory, sinabi ng MMDA na nanggaling ang closure order mula sa Manila Risk Reduction Management Council.
Base sa media reports, lumubog ang gitna ng tulay, bukod pa sa ilang bitak sa sirang bahagi nito.
Nagbigay naman ng ilang alternatibong ruta ang MMDA para sa mga motorista.
Mula sa Nagtahan Bridge, maaaring dumiretso ang mga motorista sa South Super Highway, kakanan sa Zamora, saka liliko sa President Quirino Extension, patungo sa nais puntahan.
Samantala, maaari ring dumaan ang mga motorista mula sa South Super Highway pakaliwa ng Plaza Dilaw patungo sa President Quirino Exit. Diretsuhin lamang ang UN Avenue, kumanan sa Romualdez, saka lumiko sa Ayala Bridge, patungo sa pupuntahan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.