Digong bumuo ng komite para makipagdayalogo sa Simbahan | Bandera

Digong bumuo ng komite para makipagdayalogo sa Simbahan

- June 26, 2018 - 03:10 PM

INIHAYAG ng Palasyo na bumuo si Pangulong Duterte ng komite na kinabibilangan ni Presidential Spokesperson Harry Roque, Foreign Affairs Undersecretary Ernesto Abella at Boy Saycon para makipagdayalogo sa Simbahang Katolika sa harap naman ng mga batikos na tinatanggap ng presidente matapos niyang tawagin ang Diyos na “stupid”.

“Unang-una po, inaanunsiyo ko po na tinalaga po ng Presidente ang inyong abang lingkod kasama po si Boy Saycon at saka si Usec. Ernie Abella para maging komite na makikipag-usap at makikipagdayalogo po hindi lang sa Simbahang Katolika, kundi po sa lahat ng grupo na nais magkaroon ng dayalogo sa panig po ng gobyerno,” sabi ni Roque sa isang briefing sa Davao City.

Ito’y matapos namang umani ng pagbatikos sa iba’t ibang religious groups at maging sa mga mambabatas ang naging pagbanat ni Duterte sa Diyos.

“Kahapon lang po ito nadesisyunan ni Presidente, at ngayong araw po nakipag-ugnayan po ako kay Mr. Boy Saycon na simulan na ang proseso para magkaroon na ng dayalogo. Siyempre po, unahin natin sa Simbahang Katolika bagama’t bukas din po ang pinto para sa mga Born Again churches ‘no,” ayon pa kay Roque.

Sa kanyang talumpati sa Cagayan de Oro City, muling bumanat si Duterte sa Simbahan kung saan hindi rin nakaligtas ang “Last Supper” ni Hesus at ng kanyang mga Apostoles.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending