'Ito na ang tamang panahon para maging National Artist si Nora' | Bandera

‘Ito na ang tamang panahon para maging National Artist si Nora’

Ronnie Carrasco III - June 21, 2018 - 12:30 AM

A NORANIAN we must confess that we are not, kung kami ang tatanungin ay marapat lang—if not it’s high time—na ibigay kay Nora Aunor ang parangal nilang National Artist na iginagawad ng National Commission for Culture & the Arts na ipinagkait sa kanya sa ilalim ng termino ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Kung body of work ang pagbabatayan, walang dudang angat sa aspeto o major criterion na ito si Nora. Despite collective approval ng karamihan sa kanyang mga kasamahan sa industriya, mapagkumbabang sinabi ng Superstar na hindi siya umaasa.

Kung ipagkaloob sa kanya, salamat; kung hindi naman ay salamat pa rin.

Samantala, isang magandang balita ang plano ni Ate Guy na buhaying muli ang kanyang NCV Productions (dating NV Productions noong dekada sitenta). Balita ring itatampok sa ipoprodyus nitong pelikula si Dan Alvaro.

Sa mga hindi nakakakilala kay Dan, he was launched in Mario O’Hara’s film “Condemned” produced by NCV Productions in 1984. Ginampanan ni Dan ang papel bilang Boy Rosas.

Pinanood namin mismo ang “Condemned” if only for the intriguing fact na—as far as we could remember—kasabay nitong ipinalabas ang “Sister Stella L” kung saan si Vilma Santos naman ang bida (sa direksiyon ng kontrobersiyal na si Mike de Leon).

Gina Alajar starred in both films. Admittedly, secondary lang ang pagsipat namin sa pagganap ni Ate Vi at ni Ate Guy in their respective roles. Mas na-curious kami sa atake ng ngayo’y TV director nang si Gina in separate movies.

After watching both films, ‘di hamak na mas nagustuhan namin si Gina sa “Condemned” lalo na sa eksenang papatayin siya sa bathtub. In “Sister Stella L”, ang mas nagmarka lang sa amin ay ‘yung eksena nila ni Ate Vi kung saan nagmura ng “Put…ng ina naman, Sister, eh.”

As a whole though, we raved about Mario O’Hara’s work more than Mike de Leon’s.

Sa pagbabalik muli ng NCV Productions, sana’y ganu’n din ang mga kalidad ng ipoprodyus nitong pelikula after such a long time. Sa tagal ding nakatengga si Dan, here’s hoping na taglay pa rin niya ang pagiging raw yet sensitive as an actor.

But the catch here obviously begins from a “foreword call” sa lahat ng mga Noranians na tangkilikin ito. Kung puwede nga lang ay kalampagin ang lahat ng mga fan clubs ni Nora at gawing compulsory sa mga miyembro ng mga ito na panoorin ang pelikula.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nora needs an overwhelming show of force mula sa kanyang mga tagasuporta. Sayang lang kasi ang ganda ng pelikula ng kanilang idolo kung sa loob naman ng pinagpapa-labasang sinehan nito’y puwede kang magbisikleta o mag-roller blades o mag-skateboard nang hindi magkakabanggaan ang mga sakay.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending