Sabwatan ng ERC at Meralco nakita sa bagong suspension order
ISANG patunay umano na mayroong sabwatan sa pagitan ng mga opisyal ng Energy Regulatory Commission at Manila Electric Company ang ikalawang suspension order na ipinalabas ng Ombudsman.
Sinabi ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate na patunay ito na mayroong “malfeasance, misfeasance and nonfeasance” na nangyayari sa mga kontrata na pinaaaprubahan ng Meralco sa ERC.
“The Ombudsman’s decision only bolsters the earlier findings of a House probe which concluded that evidence of malfeasance, misfeasance and nonfeasance existed to warrant the filing of charges against them over the earlier seven sweetheart deals with Meralco-affiliated generation companies.”
Sinuspinde ng Ombudsman ang apat na commissioner ng ERC kaugnay ng kuwestyunable umanong bill deposit ng Meralco.
“We cannot blame people from thinking that these ERC Commissioners are colluding with Meralco to the detriment of consumers,” ani Zarate.
Sinuspinde ng Ombudsman sina ERC Commissioners Alfredo Non, Gloria Victoria Yap-Taruc, Josefina Patricia Asirit, at Geronimo Sta. Ana dahil sa pagpayag nito na gamitin ng Meralco bilang kapital ng kompanya ang bill deposit na siningil sa mga kustomer.
“This is definitely more than a whiff of corruption. Sa totoo lang umaalingasaw na talaga ang anomalya at korapsyon sa ERC, na mas kinakampihan at tinatangkilik ang interests ng mga power oligarchs kasya sa interest ng mga consumers,” dagdag pa ng solon.
Nauna ng sinuspinde ng Ombudsman ang mga opisyal ng ERC pero pinigilan ito ng Court of Appeals.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.