DOJ pinayagan ang pananatili ni Sister Patricia Fox sa PH
MANANATILI sa bansa ang Australyanang madre na si Sister Patricia Fox matapos namang baliktarin ng Department of Justice (DOJ) ang naunang kautusan ng Bureau of Immigration (BI) matapos ibaba sa tourist visa ang kanyang missionary visa.
Sa isang resolusyon na isinapubliko, pinayagan ng DOJ ang petisyon na inihain ni Sister Fox, sa pagsasabing walang ligal na basehan ang naging desisyon ng BI matapos siyang tanggalan ng visa.
Ipinaliwanag ni Justice Secretary Menardo Guevarra na bagamat malawak ang kapangyarihan ng BI kaugnay ng mga pagpasok at pananatili ng mga banyaga sa bansa, hindi naman kasama rito ang pagbawi sa mga visa.
“Our existing immigration laws outline what the BI can do to foreigners and their papers—including visas—when they commit certain acts within Philippine territory. What the BI did in this case is beyond what the law provides, that is why it has to be struck down,” sabi ni Guevarra.
Idinagdag ni Guevarra na bagamat sinusuportahan niya ang pahayag ng BI na isang pribilehiyo ang pagkakaroon ng visa “it does not mean that it can be withdrawn without legal basis.”
“The BI cannot simply create new procedures or new grounds to withdraw a visa already granted to a foreigner,” dagdag ni Guevarra.
“To tolerate BI’s actions is to legitimize assertion of a power that does not exist in our laws,” ayon pa kay Guevarra.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending