ANG junk food ay pagkain na nagtataglay ng maraming calories at konting nutritional value.
Minsan ang tawag sa junk food ay fast food at snack food.
Ang junk food ay ginawa para hanap-hanapin ng iyong panlasa at ng utak. Ang masarap na sensation na ito ang dahilan kung bakit hinahanap-hanap ng katawan ang junk food kagaya ng droga.
Ang salitang junk food ay unang ginamit noong 1960s pero naging popular lamang ito sa mundo noong mid-70s ng sumikat ang kantang Junk Food Junkie.
Ang mga additives at preservative na kali-mitang ginagamit sa junk food ang dahilan kung bakit ang mga batang kumain nito ay nagiging hyperactive.
Ang corn dextrin na ginagamit na thickener sa mga junk food ay siya ring pandikit na ginagamit sa mga envelope at postal stamp.
Maraming fruit juice ang halos wala naman talagang katas ng prutas. Ang lasa nito ay mula sa artificial flavor at coloring.
May mga pag-aaral na nagsasabi na ang preservative na ginagamit sa French fries ay nagpapataas sa tyansa na magkaroon ng asthma at ilang problema sa balat.
Sa isang pag-aaral, lumalabas na tumataas ang tyansa na magkaroon ng polycystic-ovarian syndrome ang mga babaeng mahilig sa junk food.
Ang mga buntis na mahilig sa junk food ay may mataas na tyansa na magkaroon ng obese na anak.
Kapag kulang na sa nutrients ang katawan gaya ng amino acid tryptophan at fatty acid dahil sa sobrang pagkain ng junk food, tumataas ang pakiramdam ng depresyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.