President Ganda instant superstar sa Miss Q&A ng Showtime | Bandera

President Ganda instant superstar sa Miss Q&A ng Showtime

Ronnie Carrasco III |June 18,2018
facebook
share this

President Ganda instant superstar sa Miss Q&A ng Showtime

Ronnie Carrasco III - June 18, 2018 - 12:05 AM

Obvious na ang pantapat ng It’s Showtime sa kalaban nitong Eat Bulaga ay ang Miss Q & A segment nito vis a vis Super Sireyna.

Ang kaibahan nga lang ng Q & A ay mas binibigyan ng timbang ang pagsagot sa mga tanong para sa mga beking kandidata, na sa aminin natin o hindi ay ‘di gaanong kagandahan (this is the most prudent we can get).

Mula nang umpisahan ito, so far ay isa pa lang—si Juliana Segovia na taga-Pasay City—ang kampeon. Nasilat kasi kamakailan ang dapat sana’y makakalaban ni Juliana.

Ang nagwagi kasi ay isa ring komikerang bayot, si President Ganda Curtis Smith mula sa Tondo na obviously ay pinagsama ang mga pangalan ng segment hosts na sina Vice Ganda at Anne Curtis.

Instant superstar na rin si PGanda sa kanilang lugar kahit as of this writing ay nakakailang panalo pa lang siya. Kapos man siya sa ma-gandang hitsura’y bumabawi naman siya sa talino sa pagsagot at bilis sa pag-pick up ng mga jokes.

Halata ring napabilib ni PGanda si Vice Ganda, himself a product of stand-up comedy bars. Ayon na rin sa mga hurado’y nakatisod na naman sila ng isang comedic talent na hindi malayong mabibigyan din ng break sa showbiz.

And why not?

Samantala, kung kami ang tatanungin ay mas bago at mas nakakaaliw ang Q & A ng It’s Showtime kumpara sa original counterpart nito, ang Super Sireyna.

Mas nangingibaw kasi ang ganda sa SS kumpara sa Q & A, na para sa amin ay naglalayong iangat ang imahe ng mga bakla sa mata ng lipunan anupaman ang kanilang panlabas na anyo.

And I thank you!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending