China: Hindi makikialam sa affairs ng ibang bansa
KUNMING City, China — Walang balak manghimasok o makialam ang China sa internal affairs ng anumang bansa.
Ito ang tiniyak ni Li Jiming, director general ng Foreign Affairs ng Yunnan Province, sa pagwawakas ng kauna-unahang China-South Asia Cooperation Forum na ginanap Biyernes sa Hilton Yuxi Fuxian Lake sa Yunnan, China.
“China will never dominate or interfere in other countries’ internal affairs,” ani Li nang tanungin sa press conference na dinaluhan ng mga taga media mula sa South at South East Asia, kung ang layunin ba ng nasabing forum ay para makapanghimasok o makaimpluwensiya ang China sa ibang bansa na kalyado nito.
“South Asian countries are China’s traditional friendly neighbors and they share geographical vicinity and cultural affinity with China and we share common wish to develop our economy and improve people’s lives,” dagdag pa ni Li.
Gayunman, iginiit ng opisyal na hindi ito makikialam sa ibang bansa lalo pa’t isinusulong nito ang maayos na “economic globalization and regional economic integration.”
“I think we’re all longing for a peaceful, stable and prosperous world order. It’s in the interest of China, of South Asian countries and it’s in the interest of the whole world,” sabi pa nito.
Ang tanging layunin lamang ng forum ay para pagtibayin at patatagin ang kooperasyon ng bansa sa mga bansang nasa South Asia at South East Asia.
“So either with the forum or with the expo, the intention is to enhance the exchanges and cooperation between China and South Asian countries.”
“This doesn’t mean we intend to dominate or interfere with either country’s affairs,” giit pa nito.
Ang CSACF ay kasabay na ginawa kasama ang ika-5 China-South Asia Exposition at 25th China Kunming Import and Export Fair na inorganisa ng Chinese Ministry and Commerce at ng People’s Government of Yunnan Province. Ito ay nagsimula noong Hunyo 14.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.