INISNAB ng Pangulong Digong ang Asian Journalists Association (AJA) na magbibigay sana sa kanya ng award sa kanyang state visit to South Korea.
Ang Man of the Year Award (2017) para sa ating Pangulo ay kanyang “contribution to social stability in the Philippines and ASEAN integration.”
Simpleng seremonya na gagawin sana sa conference hall ng isang gusali na pag-aari ng mga Buddhist monks would have added color and significance to the award.
Buddhism, which is not a religion but a way of life, preaches peace of mind as a way to salvation.
Gusto ni Digong ng katahimikan sa bayan in a very “unorthodox way,” sabi ng AJA.
At dahil walang pinapaborang relihiyon si Digong, pinili ng AJA ang Buddhist conference hall na maging venue ng awarding ceremonies.
Pero, sa hindi malamang dahilan, hindi tinanggap ni Digong ang award.
Sinisisi ko ang Malakanyang protocol office.
Sinabi ng mga taga protocol na very tight ang schedule ni Digong kaya’t di niya matatanggap ang award.
Ilang buwan bago noon, laking tuwa ni Digong nang sabihin ko sa kanya na tatanggap siya ng award sa kanyang state visit sa South Korea na galing sa AJA.
Natatandaan kong sinabi pa sa akin ng Pangulo: “Tingnan no nga naman, kinikilala ako ng mga Asian journalists, pero hindi ang mga journalists dito sa atin.”
Kasama ako sa official party ng Pangulo sa South Korea state visit, at ako sana ang magpapakilala sa kanya sa AJA sa awarding ceremonies.
Nagtangka ako na kausapin si Digong—sa eroplano patungong Korea at sa hotel kung saan kami naka-checkin —pero sinabihan ako na walang panahon na makipag-usap ang Pangulo sa akin.
Nakiusap ako kina Foreign Secretary Alan Peter Cayetano, Presidential Spokesman Harry Roque at Press Secretary Martin Andanar upang paalalahanan ang Pangulo sa award, pero walang nangyari.
Sinabi ko ang pinaghandaan ng AJA ang pagbibigay ng award kay Pangulong Digong.
Isa sa kanila ang nagsabi sa akin na ayaw ng Blue House, ang official residence ng South Korean president (gaya ng White House), na tanggapin ni Digong ang AJA award.
Pero nang mag-check ang mga officers ng AJA sa Blue House, sinabi sa kanila na walang katotohanan ang ulat.
Napahiya ako sa AJA, of which I am a consultant, dahil inisnab ng ating Pangulo, na sa
aking palagay ay di niya alam, ang isang prestigious award.
Ang AJA, na nakabase sa Seoul, ay kinabibilangan ng mga tagapag-ulat sa Korea, Japan, China, Philippines, Singapore, Cambodia, Thailand, Malaysia, Indonesia, Egypt, Bangladesh, Pakistan at iba pa.
Isa sa mga founding members ng AJA ay ang pumanaw na Joe Pavia, director ng Philippine Press Institute at aking boss sa Philippines News Agency (PNA) from 1973 to 1975.
Buhat nang itinatag ang AJA, kakaunti pa lang ang nabigyan ng award nito: sina Indonesian President Joko Widodo; Lee Joon-ik, Korean filmmaker; at Lee Jasmine, isang Filipino-Korean member ng National Assembly.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.