Horoscope, June 14, 2018 | Bandera

Horoscope, June 14, 2018

Madam Sophia |June 14,2018
facebook
share this

Horoscope, June 14, 2018

Madam Sophia - June 14, 2018 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Tuloy-tuloy na gaganda ang kapalaran, basta’t lagi ka lang mag-madali. Sa pag-ibig at pinansyal, kapag minadali mo ang lahat ng bagay madali rin itong magbubunga ng saya at tagumpay. Mapalad ang 5, 14, 28, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dhipana-Om.” Violet at blue ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Kailangan mong sumikat sapagkat iyan ang iyong tadhana. Darating ang panahong sikat ka na maraming-marami ka pang pera. Sa pag-ibig, habang nakikipag-sosyalan, darating ng kusa ang true love. Mapalad ang 9, 16, 21, 29, 39 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Kubera-Mayabeeja-Om”. Maroon at gold ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Hindi makabubuti sa iyong kapalaran ang masyadong malakas kumain. Panatiliin ang magandang hubog ng katawan upang hindi ka ipagpalit sa iba ng iyong kasuyo at habang sexy ka lalong darami ang mga biyaya at magagagandang kapalaran. Mapalad ang 6, 15, 27, 29, 34 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Ananda-Vigraha-Om.” Blue at pink ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Bagong pagkakakitaan ang mabubuksan – sunggaban agad wag kang babagal-bagal. Sa pag-ibig higit na mas masarap ang bagong relasyong dulot ng isang malambing na Libra. Mapalad ang 8, 14, 23, 38, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Na-Me-Om.” Red at gray ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Ang hindi magandang pakiramdam ay gawa ng pagpasok ng panahon ng tag-ulan. Palakasin ang katawan sa pagkain ng maraming prutas at gulay. Sa pag-ibig, ang pakikipag-romansahan ay nagpapalakas ng immune system. Mapalad ang 5, 17, 23, 25, 36 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gayatri-Om.” Green at yellow ang buenas.
Leo – (July 23 – August 24)— Laging bigyan ng sapat na pagmamahal ang kasuyong Aries. Sa pinansyal, ipadama sa mga kliyente na mahal mo sila at makikita mo, kusang darami ang iyong kinikita. Mapalad ang 1, 19, 28, 33, 46 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ravaye-Om”. Gold at maroon ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Habang sinisipag ituloy lang ang pagawa at pagpaparami ng pera. Sa pag-ibig, habang mainit ang kasuyo samantalahin mo bago tuluyang humupa ang kanyang naliliyab na libido. Mapalad ang 5, 14, 23, 27, 33, at 40, Mahiwaga mong mantra: “Sukah-Devah-Om.” Violet at purple ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Hindi ka ipinanganak upang utusan. Ikaw ay natural na leader. Sa pag-ibig, lagi mong utusan ang iyong kasuyo, upang ang buhay nyo ay mas madaling umasenso. Mapalad ang 3, 12, 21, 35, 39 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Manik-Monti-Om.” Red at pink ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)— Habang nagiging makasarili may kalungkutang madarama, ganyan talaga ang daan upang yumaman. Sa pag-ibig mahalin ang kaisa-isang nilalang na nagpapahalaga at umuunawa sa iyo, siya ay isang Cancer. Mapalad ang 1, 16, 23, 25, 34 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Karaam-Om”. Yellow at green ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Kahit ano pa ang gawin mo nakapagtataka talaga ang iyong tadhana, dahil hindi mo rin iniisip at nagugulat ka rin lagi kang papaboran ng kapalaran. Sa pinansyal at pag-ibig, sa ayaw at sa gusto mo, puro suwerte ang darating sa iyo lalo na sa pagpasok ng buwan ng Agosto at Setyembre. Mapalad ang 6, 18, 27, 33, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Ava-Yara-Dosya-Om”. White at red ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Wag matigas ang ulo! Pagbigyan ang pakiusapan ang mga kliyente upang bumilis ang pasok ng salapi. Sa pag-ibig panahon na upang bigyan ng dagdag na atensyon ang minamahal, dapat mo siyang lambingin at pakisamahan, bago siya tuluyang magtampo. Mapalad ang 8, 9, 28, 30, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nameh-Pad-Me-Om.” Maroon at lilac ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Magdesisyon ka agad upang hindi malagay sa alanganin. Laging sundin ang tinitibok ng puso. Isang nilalang na isinilang sa buwan ng Disyembre ang maaari mong lapitan sa mga panahong kinakapos ka ng pera. Mapalad ang 5, 14, 23, 29, 32, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Yama-Yasoda-Om.” Green at blue ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Ano man ang iyong gagawin, na may kaugnayan sa salapi, mag-isip kang mabuti upang wag na uling malugi. Sa pag-ibig, bago ipagkaloob ang tiwala sa kasuyo, isipin mo munang mabuti kung magiging tapat ba siya habang buhay. Mapalad ang 3, 18, 28, 38, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Rama-Rama-Krisna-Krisna-Om”. Lilac at maroon ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending