Agot sa pagtakbo sa 2019: Parang hindi yata enjoy ngayon sa Senado! | Bandera

Agot sa pagtakbo sa 2019: Parang hindi yata enjoy ngayon sa Senado!

Ervin Santiago |June 11,2018
facebook
share this

Agot sa pagtakbo sa 2019: Parang hindi yata enjoy ngayon sa Senado!

Ervin Santiago - June 11, 2018 - 01:49 PM

AGOT ISIDRO


AYAW pa ring magsalita nang tapos si Agot Isidro tungkol sa pagpasok niya sa mundo ng politika.

Nililigawan siya ngayon ng Liberal Party para tumakbong senador sa 2019 mid-term elections dahil isa nga siya sa mga celebrities na walang takot kung bumatikos sa Duterte Administration. Noong nakarating sa aktres ang offer ng LP, sinabi niyang pag-iisipan niya itong mabuti.

Sa isang panayam kay Agot, mukhang hindi pa rin siya nakakapagdesisyon hanggang ngayon. Aniya, “Ang sarap gumawa ng pelikula. Gawa muna tayo ng pelikula.

“Ang sarap umarte, especially now that the landscape of filmmaking has changed so parang feeling ko, doon muna ako sa nag-e-enjoy ako. Parang hindi yata enjoy masyado ang Senado.”

Dagdag pa ng Kapamilya actress na napapanood araw-araw as seryeng Asintado ni Julia Montes, “You know, hindi natin alam, e. Pero this is where I am right now.”

Paano ba siya makukumbinse ng LP na tumakbong senador? “I don’t know. Malayo pa naman. I don’t know.
Hindi ko pa iniisip muna. Busy din naman ako sa Asintado, three times a week ang taping.”
Maraming netizens ang pabor sa pagtakbo ng aktres sa pagka-senador next year at naniniwala sila na marami siyang magagawa para sa bayan. At nangako ang mga ito na susuportahan nila ang kandidatura ni Agot.

Pero siyempre, meron ding mga Pinoy na kontra rito. Huwag daw sanang magpauto si Agot sa mga politiko at sa kaway ng politika dahil baka pagsisihan lang niya ito sa bandang huli.

Tinanong din ang aktres kung hindi ba siya natatakot para sa kanyang buhay at ng kanyang pamilya sa patuloy na pagbatikos kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa mga tagasuporta nito, “It’s part of it. If you speak out, of course you are inviting that resistance also.”

“If they are on that side, they have us. So sila meron ding resistance. Ako rin, may ganu’n. I would think I have a lot of bashers pero keri ko naman yun. Hindi ako masyadong affected.

“I believe in my principles. I stand by my principles. No one is paying me to do it. This is all me. Prinsipyo ko ‘yun eh,” hirit pa ng matapang na aktres.

Samantala, si Agot ang nagwaging Best Actress sa katatapos lang na FAMAS Awards. Ito’y para sa kanyang natatanging pagganap sa pelikulang “Changing Partners”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending