Local celebs nangampanya kontra depresyon: Nakiusap na wag manira ng kapwa, matutong rumespeto
NAKIISA ang mga local celebrities sa kampanya kontra depresyon matapos mabalita ang pagpapakamatay ng American culinary icon at travel host na si Anthony Bourdain.
Kanya-kanya silang post ng kanilang inspiring message sa social media para ibandera sa buong universe na seryosong sakit at health condition ang depression na kadalasa’y nauuwi sa suicide.
Nauna nang nag-post sa Instagram ng mahabang mensahe si Ryza Cenon tungkol dito na aminadong dumaan din sa matinding depresyon at nakaisip din na magpakamatay noon.
“Hindi po ganu’n kadali sa amin na nakakaranas ng depression ang magsalita at magshare ng nararamdaman. Sakit sya na on and off na minsan akala mo ok ka na pero babalik sya ulit.
“Madaling sabihin na humingi ng tulong pero mahirap gawin kaya nga ang gusto nila mag-isa at mag-isa nila haharapin at tatapusin minsan (ang sakit?) dahil ayaw nila masaktan ng paulit-ulit, ayaw nila makadagdag sa problema ng iba at may sasabihin sa kanila na hindi maganda at masasaktan ulit dahil sa totoo lang NAKAKAPAGOD sya NAKAKAPAGOD magkaroon ng Depression.”
“Kaya maging sensitive tayo sa mga tao nasa paligid natin. Wag nyong hintayin lumapit at humingi ng tulong dahil hindi mangyayari yun bihira mangyari yun,” pahayag pa ng bagong Kapamilya actress.
Nag-tweet naman ang TV host na si Bianca Gonzales para paalalahanan ang madlang pipol na mas maging sensitive sa feelings ng ibang tao, “Really, every single one of us have demons we are dealing with. These events are reminders to be kinder to each other. It isn’t that hard.
“Just leaving this here in case you, or someone you know, might be going through something.. I sincerely hope it helps even a bit,” dagdag pa niya.
Ito naman ang sey ni Lovi Poe, “Remember that when you’re screaming inside… No matter the noise or no matter how loud it is, someone is out there to listen. Always.”
Pati ang anak nina Megastar Sharon Cuneta at Sen. Kiko Pangilinan na si Frankie ay may paalala sa bawat Pinoy, “Not everyone has the strength to reach out. Take that step please, check in on your friends and loved ones and make sure they know they’re not alone.”
Sey naman ni Bela Padilla, “I hope the recent passing of Kate Spade and Anthony Bourdain and many other people who are gone without us knowing what was wrong can serve as a wake up call to ALL of us. Your anonimity on social media doesnt give you a free pass to potentially destroy someones life. BE KIND.”
q q q
Siguradong mas ikatutuwa ng LizQuen fans ang mga susunod na eksena sa Primetime Bida series na Bagani sa ABS-CBN.
Ngayong linggo, tutukan ang muling pakikipaglaban nina Ganda (Liza) at (Lakas) sa Hari ng Sa Dako Paroon na si Gaki (Justin Cuyugan) at sa mga kampon nito. Sa teaser ng Kapamilya fantaserye ay ipinakitang nagising na mula sa pagkakahimbing ang dalawang bagani.
Mukhang magtutuos din sina Gaki at Malaya para paglabanan ang kalayaan nina Ganda at Lakas. Ibabandera na ni Malaya sa demonyong naghahari-harian kung gaano kalakas ang kapangyarihan ng mga bihag niyang bagani.
Kailangan n’yo ring abangan ang mga susunod na gagawin ni Sarimaw (Ryan Eigenmann) para maipagpatuloy ang kanyang mga plano laban sa mga bagani (Matteo Guidicelli, Makisig Morales at Zaijian Jaranilla).
Kasabay naman nito ang binabalak na pagsalakay ng mga tulisan sa pangunguna pa rin ni Matadora (Aiko Melendez) na galit na galit sa ginawang pagtatraydor sa kanya ng kapatid at iba pang kasamahan.
Napapanood pa rin ang Bagani sa ABS-CBN Primetime Bida after Ang Probinsyano.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.