Pagtaas sa SSS pension | Bandera

Pagtaas sa SSS pension

Liza Soriano - June 09, 2018 - 12:10 AM

DEAR Madame,

Good day !

Halos lahat ng nababasa at naririnig ko sa balita approved na ang unang P1000 pesos para sa mga SSS pensioner take effect retroactively since January 2017,pero mukhang puro lang po sa balita ito.itong last March 2018 na approved na ang aking retirement pension at naibigay na po sa akin ang paunang Lum Sum payment at sang ayon sa SSS starting this coming June 28 start my monthly pension sa amount na 4,800 pesos pero d pa daw included ang 1000 pesos na sinasabing dagdag para sa mga pensioner dahil waiting pa go signal sa kung sino man ang dapat mag approved nito.I understand that the other 1000 pesos additional for a total of 2000 pesos pension still hanging in the air.
Now my question po ano po ba ang tama?

Approved na at pwede na ibigay o binibigay na sa mga SSS pensioner ang first 1000 pesos or hold muna for the time being at until when po kaya talaga ito ibibigay sa mga SSS pensioner.
Please paki linaw lang po.

Many thanks and more power to your program.

Regards,
G. Marciano

REPLY: Ito ay tugon sa katanungan ni G. Marciano Abobo patungkol sa karagdagang P1,000 benepisyo para sa mga pensiyonado.

Batay sa aming rekord, natanggap na ni G. Abobo ang inisyal na advance pension na nagkakahalaga ng P151,937 at katumbas ng pensiyon niya sa 31 buwan mula Nobyembre 2015 hanggang Mayo 2018.

Nais naming ipabatid kaya G. Abobo na kasama na sa kanyang tinanggap na advance pension ang karagdagang P1,000 benepisyo na ipinatupad noong Enero 2017. Narito ang breakdown ng advance pension niya:

Pensiyon
(mula Nobyembre 2015 – Mayo 2018)
31 x P4,230
P131,130
P1,000 Karagdagang Benepisyo
(mula Enero 2017 – Mayo 2018)
17 x P1,000
P17,000
Dependent’s Pension (Mary Rose Abobo)
(mula Nobyembre 2015 – Hulyo 2016)
9 x P423
P3,807
Kabuuan
P151,937

Dagdag pa rito, simula naman sa Hunyo 2018 ay matatanggap na niya ang kanyang pensiyon kada buwan na nagkakahalaga ng P4,230 gayundin ang P1,000 karagdagang benepisyo na matatanggap din niya bawat buwan.

Nais naming linawin na wala na pong inaantay na go signal para sa pagbibigay ng P1,000 karagdagang benepisyo sapagkat na aprubahan na ang pagbibigay nito noong 2017. Simula pa noong nakaraang taon ay ibinibigay na ang P1,000 karagdagang benepisyo. Katunayan kasama na ito sa inisyal na advance pension na tinaggap ni niya at kasama na rin sa tatanggapin niyang buwanang pensiyon sa Hunyo.

Nawa’y nabigyan po namin ng linaw ang katanungan niya.

Salamat po.
Sumasainyo,
May Rose DL Francisco
Social Security Officer IV
SSS Media Affairs Department
Noted:
Ma. Luisa P. Sebastian
Department Manager III

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending