outbrain

Kris kay Mocha: I don‘t want to give her anymore of my fame, sorry ha…!

By Reggee Bonoan June 08,2018
share this

Kris kay Mocha: I don‘t want to give her anymore of my fame, sorry ha…!

By Reggee Bonoan June 08,2018
share this

MOCHA USON AT KRIS AQUINO


MAKALIPAS ang dalawang taon at kalahati ay nagkita’t nagkaayos na sina Nay Cristy Fermin at Kris Aquino. Live na nag-guest ang Social Media Queen nitong Huwebes sa “Cristy Ferminute” sa Radyo Singko 92.3 News FM.

Dating magkasama sa talk show na The Buzz sina Kris at Nay Cristy ngunit nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan dahil kay James Yap. Isinumbong kasi ng radio host na may babae ang basketbolista na hindi agad pinaniwalaan ni Kris.

Pero sa huli ay nalaman ni Kris na totoo ang mga sinabi ni Nay Cristy tungkol kay James, iyon nga lang hindi na sila muling nagkita’t nagkausap hanggang magkrus muli ang kanilang landas last Thursday.
Napakaraming topic ang pinag-usapan ng dalawa sa “Cristy Ferminuite”, isa na nga riyan ang mainit na isyu ngayon tungkol kay Assistant Secretary Mocha Uson.

Sa panayam ni Nay Cristy kay Kris ay humupa na ang galit ng huli kay Mocha kumpara sa mga nakaraang araw na talagang hinamon pa niya ng debate matapos bastusin ang mga yumaong magulang na sina dating Pangulong Cory Aquino at dating Senador Ninoy Aquino.

Sabi ni Kris ay hindi sila magka-level ni Mocha, “I don’t wanna give her anymore of my fame. Sorry, ha? Mayabang ako. Friends na kami ni PRRD. Okey na. So, with her, I don’t care. Care bears na.”
Dagdag pa niya, “This is said with no disrespect whatsoever because I’m just stating a fact. You taught me this. Sinabi mo, ‘Anak kung makikipaglaban ka, ang lalabanan mo dapat mas malaki sa ‘yo. Hindi ka lalaban sa mas maliit sa ‘yo. Kasi in the end ikaw ang masama, ikaw ang talo. Kung makikipaglaban ka lang, sa higante na.”

Napagtanto ni Kris na hindi na niya kailangang hamunin ng harapan si Mocha nang banggitin sa kanya ni Special Assistant to the President, Bong Go na, “Ma’am, hindi namin kontrolado si Mocha. Nag-sorry na kami ni PRRD. Mas important po yun Ma’am. Salamat po.”

Inamin din ng social media influencer na napagalitan siya ng kayang ate Ballsy Aquino Cruz sa pagpatol kay Mocha, “Sabi ng ate ko, ‘My gosh please stop!”

Pero hindi niya ito sinunod, ang katwiran niya, “I know in this life, when this is your last name, you have to be ready for all the blows. But there are blows that are below-the-belt. Alam mong sinisikmuraan ka na. And kung hindi ka papalag, uulit-ulitin nila.

“Yes, I made this about me because I’m the one alive. Ako ang puwedeng magsalita and ako ang balahura. Kasi proper ang mga kapatid ko,” dagdag niya.

q q q

Dahil masaya na si Kris matapos ilabas ang kanyang mga hinaing kay Mocha, nag-post siya sa kanyang Instagram account na mamimigay siya ng branded bags.

Caption ni Kris sa mga litrato ng mga mamahaling bag, “There are 3 videos. Swipe left to watch all. I think ma ha-happy kayo. All you have to do is like, comment and tell me who should receive the bags & end it with #lovelovelove and 3 yellow hearts.

“My KCAP staff will choose among all of you who we’ll be sending the Louis Vuitton & the Saint Laurent. Maraming salamat for your love- i just want to RECIPROCATE. #gratitude @howtobekrisaquino (P.S. This is my last gift giving announcement on this IG account.

“Please follow @howtobekrisaquino because all future giveaways & product promos & meet & greets will be posted there. Pahihirapan ko kayo ng konti, please follow that account and also like the 3 posts in order for KCAP STAFF to choose who will get my bags.)”

Isa pang nagpasaya sa bunsong anak nina tita Cory at Ninoy ay ang pag-renew niya ng kontrata sa ilang brand partners niya. Kasabay nito ang pagpo-post niya ng mga litrato suot ang iba’t ibang kulay ng damit.

“Thank you for our late morning & lunchtime fitting- @michaelleyva_ (I have been blessed w/ your talent for 4 years now) and finally, I fit some designs by @francislibiran8.

“All are for endorsements- I think from the colors you can guess what they are. Hindi ako magsasawa- THANK YOU for trusting & supporting me. I am blessed because you are with me. #gratitude #lovelovelove,” caption ni Kris.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending