Pagasa opisyal nang idineklara na tag-ulan na sa bansa
OPISYAL nang idineklara ngayong araw ng state weather bureau ang pagsisimula ng tag-ulan sa bansa.
“Nagsimula na po ang rainy season sa ating bansa. Na-satisfy na po ‘yung criteria ng rainfall sa mga Type 1 climate stations,” sabi ni weather forcaster Cris Perez sa isang press conference.
Sa isang pahayag, sinabi ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) na kinukumpirma ng malawakang pag-ulan dulot ng southwest monsoon, na naitala ng mga Pagasa station sa nakalipas na araw, ang hudyat ng tag-ulan sa kanlurang bahagi ng bansa.
Kabilang sa mga nakaranas ng pag-ulan ang Metro Manila, kung saan nakaranas ito ng mga pag-ulan na inaaasahang tatagal pa sa mga susunod na araw.
“However, such rain events may be followed by dry periods (o monsoon break) that could last for several days to two weeks,” ayon pa sa Pagasa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.