Probinsyano naghahari pa rin; Bagani, YFSF, MMK, TV Patrol pasok uli sa Top 5
ABS-CBN pa rin ang mas tinutukan ng mga manonood noong Mayo upang makakuha ng mga makabuluhang balita at mga kwentong puno ng aral sa pagtala nito ng average audience share na 45%, ayon sa datos ng Kantar Media.
Mas pinanood sa parehong urban at rural homes ang ABS-CBN, partikular na sa Metro Manila sa pagtala nito ng average audience share na 41%, at sa Mega Manila sa pagrehistro nito ng 36%.
Nanguna rin ang Kapamilya Network sa Total Luzon sa pagtala nito ng 41%, sa Total Visayas sa pagrehistro nito ng 54% at sa Total Mindanao kung saan nakakakuha ito ng 52%.
Kinakatawan ng Kantar Media ang 100% ng mga manonood ng telebisyon sa buong bansa sa paggamit nito ng nationwide panel size na 2,610 na urban at rural homes.
Ayon din sa listahan ng Kantar Media, FPJ’s Ang Probinsyano (40.7%) pa rin ni Coco Martin ang naghari noong Mayo, na sinundan naman ng Bagani (32.4%).
Pasok rin sa Top 10 ang Your Face Sounds Familiar Kids hosted by Billy Crawford (32.1%), Maalaala Mo Kaya ni Charo Santos (28.7%), TV Patrol (28.1%) nina Noli de Castro, Wansapanataym (24.4%), Home Sweetie Home (21.8%) at Rated K (20.3%).
Samantala, ABS-CBN din ang nanguna sa lahat ng time blocks, partikular na sa primetime block kung saan nagkamit ito ng average audience share na 49%.
Ang primetime block ang pinakaimportante parte ng araw kung kailan karamihan sa mga Pilpino ay nanonood ng telebisyon at inilalagay ng advertisers ang malaking parte ng kanilang investment upang makaabot sa mas maraming consumers.
Nanguna rin ang ABS-CBN sa morning block (6 a.m. to 12 noon) sa pagtala nito ng 36%; sa noontime block (12 noon to 3 p.m.) sa pagrehistro nito ng 47%; at sa afternoon block (3 p.m. to 6 p.m.) sa pagkamit nito ng 45%.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.