ISANG magnitude 4.7 lindol ang yumanig sa Ilocos Norte kaninang hapon.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-5:12 ng hapon.
Ang sentro nito ay limang kilometro sa silangan ng bayan ng Marcos at may lalim na 46 kilometro.
Nagresulta ito sa Intensity IV paggalaw sa Paoay.
Ang mga instrumento ng Phivolcs ay nakapagtala naman ng Intensity IV sa Pasuquin. Intensity III sa Sinait, Ilocos Sur at Laoag City.
Intensity II naman sa Claveria, Cagayan at Vigan City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending