Digong sa mga kritiko sa kissing incident: Bad breath sila
SINABI ni Pangulong Duterte na inggit lamang ang mga bumabatikos sa kanya matapos namang halikan sa labi ang isang Overseas Filipino Worker (OFW) sa kanyang pagbisita sa South Korea.
“Eh kasi ayaw ko sa ka — makipaghalikan sa kanila kasi bad breath sila kaya ganun. Inggit lang ‘yan. Smack,” sabi ni Duterte sa isang press conference matapos dumating sa kanyang official visit mula South Korea.
Nauna nang umani ng iba’t ibang reaksiyon ang nangyaring “kissing incident” na nagtrending pa sa buong mundo.
“We enjoyed it. It was a showbiz and everybody enjoyed it. Asking for malice, I do not do it in public if there is malice. I would pull the woman’s — down somewhere along the empty hall there,” dagdag ni Duterte.
Hindi naman sinagot ni Duterte ang tanong kung ano ang naging reaksyon ng kanyang long-time partner na si Honeylet Avancena.
“You know, I’ll tell you what, there are people here from Davao. During the campaign in my mayorship days, I kiss every woman there, lips to lips,” pagtatanggol pa ni Duterte.
Ipinangtanggol pa ni Duterte ang kanyang istilo.
“Style ko ‘yan eh. aMaghanap kayo ng ibang style ninyo. There is nothing wrong in a simple kiss you cause an uproar. Inggit lang ‘yan sila. Sabihin mo sa kanila palitan nila ang pustiso nila,” giit pa niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.