‘Kasama’ nilalamangan ng militant group | Bandera

‘Kasama’ nilalamangan ng militant group

Den Macaranas - June 06, 2018 - 12:10 AM

NAGKAKAROON ngayon ng kaguluhan sa loob ng isang militanteng grupo dahil sa isyu ng pera.

Ito ay makaraang kumalas ang ilan sa kanilang miyembro kasunod ng alegasyon na nilustay daw ng ilan sa mga namumuno sa grupo ang kanilang pinaghirapang pondo.

Bukod kasi sa pamamasyal sa mga mamahaling beach at resorts ay mahilig ding kumain sa mga Japanese restaurant ang ilan sa mga opisyal ng samahang ito.

At habang sila ay nagpapasarap ay lugmok naman sa kahirapan ang kanilang mga miyembro na pinapa-ngakuan nila ng magandang kinabukasan kapag nagbunga ang kanilang mga ipinaglalaban.

Pero ang problema ay mukhang mananatiling pangarap na lamang ang kanilang cause dahil sila-sila na mismo ang nagsisilipan ng mga baho nila.

Sinabi ng halos ay 300 miyembro na kumalas sa grupo na imbes na sila ay bayaran sa mga rally dahil sa kanilang pagod at pamasahe ay sila pa pala ang sinisingil ng mahuhusay magsalita na lider ng militanteng grupong ito.

On the average ay umaabot ang kanilang bayad sa P300 kada rally kapalit ng pangako na magandang kinabukasan para sa kanila.

Makalipas ang ilang taon ng pagkakaloko ay huli na nang magising sila sa katotohanan na ang mga lider lang nila ang umaasenso sa buhay.

Lagareng-hapon ang kanilang kita dahil bukod sa porsiyento sa revolutionary tax ng kanilang kaalyadong komunistang grupo ay kumikita rin sila sa pamamagitan ng lagay mula sa kanilang mahihirap na kasapi.

Talagang nakakapang-init ng ulo ang rebelasyon ng kanilang mga kumalas na miyembro na ngayon ay pinagbibintangan pa nilang inareglo umano ng gobyerno.

Ang pinuno ng grupo na yumaman sa mga rally at ini-rereklamo pa ng pa-ngongolekta ng butaw sa kanilang mga mahihirap na recruit ay si Madam B…as in Beach ng grupong K…as in Kaaway.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending