Vice nagdyowa ng babae noon para mapasaya ang ama: Pero bakla talaga ako! | Bandera

Vice nagdyowa ng babae noon para mapasaya ang ama: Pero bakla talaga ako!

Ervin Santiago - June 06, 2018 - 01:15 AM

VICE GANDA

Naging emosyonal si Vice Ganda sa nakaraang 7th anniversary episode ng Gandang Gabi Vice last Sunday. Sa bagong segment kasi ng show na “Tanong Mo, Mukha Mo” ipinakita ang mga litrato ng mga taong malalapit sa kanyang buhay kabilang na ang kanyang yumaong ama.

“Kung may ipapakilala po ako sa tatay ko na dati kong minahal, yun po yung una kong girlfriend. Gusto kong ipakilala sa kanya yun para sabihin na sinubukan kong mag-girlfriend noong panahon na yun.

“Kung nabubuhay siya at nakikita niya ako, sinubukan kong mag-girlfriend kahit na hindi naman ako masyadong masaya doon kasi gusto ko siyang maging masaya. Kasi yun ang gusto niya,” ani Vice.

“Kaya gusto kong ipakilala sa kanya yun kasi gusto ko sabihin na ‘Tay, tinray ko ang gusto n’yo. Kasi gusto ko kayong mapasaya.’ Pero bakla talaga ako,” hirit pa ng Unkabogable Star.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending